"Magandang umaga po Lola Teresita" Tawag ni Nicolas sa isang matandang babae, napalingon naman ito saka niya siya tinugunan ng isang matamis na ngiti at isang pabalik na bati. "Magandang umaga rin Nicolas, kay tagal na nang ikaw ay huling magtungo rito sa aking tindahan, mabuti naman at nakapunta ka na ngayon"
Napangiti muli si Nicolas, nagmano muna siya sa matandang babae bago siya tumugon. "Nagkataon rin naman pong nakasama ko rito ang aking kaibigang si Elena, marahil ay magkakilala na po kayo ni Donya Elianor" Napatango naman ang matanda saka siya tumingin kay Elena, binasbasan niya rin ito ng isang matamis na ngiti.
"Mapalad ka at iyong naging kaibigan itong si Nicolas, alam ko nang napakatapang ng binatang ito, kaya hinahangaan ng mga kababaihan..." Nanlaki naman ang mga mata ni Nicolas saka siy biglaang napatugon. "Si Lola Teresita naman! Ipinahihiya niyo po ako" Pagtugon niya sa mahiyaing tono.
Napatawa naman si Elena saka niya inilabas ang mga idinala nilang papel para ibenta. "Heto po ang mga papel na ipinadala ng aking ina galing sa aming baryo, gawa po yan sa purong dahon ng akasya at matibay po iyan, hindi po iyan madaling mapunit dahil sa materyal na ginamit" Saad ni Elena na nakangisi kay Lola Teresita.
"Salamat hija, ano na nga ba muli ang iyong pangalan? Hindi ko na matandaan dahil na rin sa edad kong ito" Pagtatanong naman niya, sumagot naman si Elena. "Elena po, Elena Cortez, ako po ay anak nila Don Mariano Cortez at Donya Elianor Cortez, ang pamilya mo namin ay siyang pinakakilala at pinakamataas sa buong baryo" Sagot niya, sandali pa ay hinaplos ng matanda ang kaniyang mukha at ito ay nagwika.
"Pagpalain ka nawa kayo ng diyos, salamat sa mga papel na ito, ito ang bayad Elena" Ibinigay ni Lola Teresita ang isang sisidlan na may lamang salapi kay Elena, tinanggap naman niya ito. "Iyan ay naglalaman ng dalawang pung piso, sapat nang halaga para sa mga papel na ito, salamat sa pagbebenta nito sa akin" Saad ni Lola Teresita, sandali pa ay may kinuha ito sa isang aparador at inilagay niya ito sa isang bayong, inilahad niya naman ang ito kay Nicolas.
"Ito ang mga napaglumaan nang papel at mga lumang lapis, magagamit mo ito sa pagguhit mo ng mga larawan, kapag may labis muli sa aking mga paninda at ito ay napaglumaan na, ibibigay ko ito sa iyo" Nakangiting tinanggap ni Nicolas ang bayong. "Maraming salamat po Lola Teresita, ito po ay tinatanaw ko bilang isang regalo" Saad niya, ngumiti muli si Lola Teresita at saka siya tumango bilang pagsang-ayon, ngunit sa isang dalang bayong ni Nicolas ay may nalaglag na isang pirasong papel.
Tatangkain niya na sana itong pulutin ngunit napulot ito ng isang lalaki, saglit pa ay tinignan ng masinsinan ng lalaki ang nasa larawan, ang larawan ni Elena na kasama si Pepito habang nakatulog sila sa damuhan. Ngumiti naman ang lalaki saka niya ibinigay ang larawan kay Nicolas.
"Salamat po" Pasimpleng saad ni Nicolas sa lalaki, ngumiti naman ang lalaki at tumugon. "Walang anuman, may potensiyal ka sa pagguhit ng mga larawan, iyan ay iyong ipagpatuloy at balang araw ikaw ay magiging propesyunal" Tugon nito, muli ay nagpasalamat si Nicolas sa lalaki at napagdesisyunan nilang humayo na at muling puntahan si Lolo Gregorio sa sentro ng merkado.
"Tayo na at humayo, baka tayo ay hinihintay na ni Lolo Gregorio" Saad ni Elena, sinang-ayunan naman ito ni Nicolas saka niya hinawakan ang kamay ng kaniyang kapatid na si Pepito na kasalukuyang tinitignan ang mga itinitindang mga aklat ng literatura.
Sumang-ayon na rin si Pepito sa pag-alis sa pamamagitan ng pagtango nito nang magtanong si Nicolas. Kalaunan nga ay lumabas sila ng tindahan at naabutan nila sa labas ang magkapatid na Juan at Pedro, subalit may hindi inaaasahang pangyayaring gumulantang sa kanilang lahat.
Biglaan na lamang umanong kinuha ang braso ni Pepito ng isang matabang lalaki, iyon ay ang mangangalakal na nagpapahirap at gumugutom sa mga kabataang kaniyang napapasakamay. "Ikaw pala bata ka, ang kapal ng mukha mong tumakas sa aking pangangalaga! makinig ka, hanggang ikaw ay nabubuhay ay magtratrabaho ka sa akin! Wala na akong paki-alam kung ano ang iyong mga naranasan at kung paano ka pa nabuhay! Ngayong napasakamay na ulit kita ay magbabalik ka na sa dati mong buhay kasama ako! Halika na!" Nabigla ang lahat sa inasta ng lalaki kaya naman sinubukan nila Nicolas na agawin si Pepito sa matabang lalaki.
BINABASA MO ANG
Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait
Historical FictionSet in the late nineteenth century Philippines, this classic tale revolves around a fourteen-year-old boy named Nicolas, and his mute, young foster brother named Pepito. Nicolas once drew a portrait of her bestfriend Elena. He might be poor but he's...