"Tendrás que pensar en la reputación de tu hija Señor!" (You'll have to think of your daughter's reputation Señor!) Si Handario ang nagwika sa ngayon ay umiinit na ang ulong si Don Mariano, ang mga kamay nito ay nanginginig na habang nakasarado, para itong aamba na ng suntok.
"Entiendo a lo que estas apuntando" (I understand what you are pointing at) Huminga ng malalim ang Don saka siya tumayo. "Dalaga na ang anak ko, Handario. Isa na siyang ganap na dalaga! Magmula ngayon ay hindi na siya maaaring hawakan, lapitan, at maging tingnan ng matagal ng kahit sino mang binata! Lalo na at siya pa nga ay magmomongha" Tugon ng Don saka niya kinuha ang kaniyang tabako sa atabing lamesita at hinithit ito.
"Nicolas tiene prohibido ver a Elena, después de todo ... ese chico no es más que un problema!" (Nicolas is forbidden to see Elena, afterall... that boy is nothing but trouble!) Ibinaba niya ang kaniyang tabako at saka siya nagtungo sa silid ng anak at sinabi ang lahat patungkol doon.
Lumipas ang mga araw, nanatili lamang sa loob ng bahay ang dalaga, parati siyang nasa kaniyang silid at madalas ay nakadungaw lamang sa durangawan. Minsan naman ay itinuturong niya na lamang ang nararamdamang sakit at gigising sa panibagong umaga at muling masasaktan. Umikot sa kumbento at sa bahay ang kaniyang buhay, marahil hatid-sundo na siya ng kalesa na minamaneho ni Handario. May mga araw na tanging isang sulyap niya na lamang sa kaibigang si Nicolas ay masaya na siya kahit hindi nito nagagantihan ang kaniyang mga sulyap.
Si Nicolas ay nagpatuloy sa pagtatrabaho kasama sila Lolo Gregorio at Pepito, kapag maagang nakauuwi ay nagtutungo pa rin ang dalawa sa burol, inaasahang makikita paroon si Elena, ngunit wala siya paroon, ang tanging nadadatnan nila ay ang malaking puno ng sampalok at ang maluwag na damuhan na punong-puno ng mga bulaklak kung saan parating naglalaro si Pepito.
Tanging sa pagguhit na lamang ginugugol ni Nicolas ang kaniyang oras at upang kahit sandali lamang ay maibsan ang pangungulila niya sa kaibigang si Elena, hindi ito nasanay na hindi niya nakikita ang kaibigan sa araw-araw kaya palihim nitong ibinubuhos ang kaniyang luha at pighati kapag ito ay mag-isa.
Isang ordinaryong araw, tanghaling tapat at araw na ng biyernes, kagagaling lamang ni Elena sa kumbento, pagbaba na pagbaba pa lamang nito ng kalesa ay makikita na sa dalaga ang katamlayan at panlalamig. Pagpasok nito sa pintuan ng kanilang mansiyon ay nadatnan niya sa sala ang kaniyang ama at ina na ngayon ay kumakain ng merienda.
"Estoy en casa" (I'm home) Malamig na wika ni Elena sa kaniyang mga magulang saka matamlay itong naglakad palayo. "Ve y lava Mi Hija, luego podrías tomar un bocadillo" (Go and get washed up child, then you could have a snack) Panimula ng kaniyang inang si Eleanor, hindi ito pinansin ni Elena at dire-diretso lamang itong umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang silid, pagpasok niya rito ay kaagad niyang isinara ang pintuan.
Huminga ng malalim si Eleanor saka ito tumayo at sumunod sa anak sa itaas, pagbukas niya ng pintuan ng silid ay inaasahan niya na kung ano ang madadatnan nito paroon, isinara niya na lamang ang pintuan ang pinabayaan niya na ang kaniyang anak.
Sa ibaba ay matatagpuang nag-uusap ang Don Mariano at si Handario, masaya si Don Mariano na si Handario na ang nagkusang maghatid-sundo sa kaniyang anak. "Gracias por tu ayuda, agradezco que la traigas a la escuela y a casa todos los días" (Thanks for your help, I appreciate you are bringing her to school and back home each day) Panimula ni Don Mariano.
"¡Es un placer Señor! Ni siquiera tienes que mencionarlo" (It's my pleasure Señor! You don't even have to mention it) Nahihiyang wika ni Handario na may pagwagwag pa ng kamay sa tapat ng kaniyang dibdib.
"Entonces, ¿qué obtienes del último envío que me interesaría, Handario?" (So, what do you get form the latest shipment that would interest me, Handario?) Panimulang tanong muli ni Don Mariano saka niya kinuha ang pitsel na nasa lamesita na may lamang inumin saka nilagyan niya ang basong katabi nito.
BINABASA MO ANG
Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait
Ficción históricaSet in the late nineteenth century Philippines, this classic tale revolves around a fourteen-year-old boy named Nicolas, and his mute, young foster brother named Pepito. Nicolas once drew a portrait of her bestfriend Elena. He might be poor but he's...