Kabanata 11:

25 10 9
                                    

Pilipinas, Nobyembre 1898.
Ang Buwan ng kaarawan ni Elena.

"Elena?" Tanong ni Nicolas nang makita niya itong nagsisiyesta sa ilalim ng malaking puno ng sampalok sa burol kung saan sila parating nagtatagpo. Inuugoy ng hangin ang buhok nito, sinabayan ng paghangin ang pagbagsak ng mga maliliit na talulot sampalok na nagbibigay ganda sa kanilang paligid. Napansin niyang nakaidlip ang dalaga, dala na rin siguro ng malamig na simoy ng hangin at kinalimutan na amoy ng mga bulaklak sa paligid.

Hinubad ni Nicolas ang kaniyang suot na tsaleko at ikinumot niya ito kay Elena, ipinailalim niya ang mga kamay nito sa tsaleko upang hindi ito malamigan, ang tanging suot lamang kasi ni Elena ay simpleng puting kamiseta at puting saya na may disenyong mga bulaklak, ang haba nito ay hanggang talampakan. Ang kaniyang suot pang-paa ay simpleng pares ng kulay puting sapatos at kulay puting medyas na hanggang tuhod ang haba.

Dala ni Nicolas ang mga kagamitan niya sa pagguhit, si Nicolas ay naghahanap pa ng inspirasyon para sa kaniyang ipipinta. Kasama niya rin si Pepito na ngayon ay mag-isang naglalaro sa maluwag na damuhang punong-puno ng sari-saring mga bulaklak. Nakangiting umupo si Nicolas sa tabi ni Elena at sinumulan nito ang pagguhit.

"Nicolas?" Tanong ni Elena nang iminulat niya ang kaniyang mga mata at makita ang binatang gumuguhit. Napalingon si Nicolas sa dalagita na ngayon ay bumangon at nakangiti na. "Ano nga palang ginagawa mo rito? Mag-isa ka lamang kaninang kami ay nakarating at nadatnan ka rito?" Panimulang tanong ni Nicolas, naman si Elena sa kaniya at ipinatong nito sa balikat ni Nicolas ang ipinangkumot niyang tsaleko.

"Kaninang umaga pa sumasakit ang aking tiyan sa hindi ko malamang dahilan, Nicolas. Kaya nagdesisyon akong magpahangin muna, nang pinuntahan ko kayo sa inyong dampa ay wala kayo roon kaya rito na ako nagtungo. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaidlip pala ako" Nahihiyang tugon ni Elena, tumango naman si Nicolas bilang tugon.

"Baka may nakain ka lamang, Elena. Huwag kang mag-alala, gagaling rin iyang pagsakit ng iyong tiyan" Wika muli ni Nicolas. "Nagtungo muli ako rito rito upang gumuhit, hindi lamang basta ako guguhit maharil ay humahanap ako ng inspirasyon para sa larawang aking ipipinta" Saad niya pa.

"Ipipinta? Ngunit para saan?" Tugon muli ni Elena, tumingin ng diretso si Nicolas sa mga mata ni Elena, ngumiti ito at tumugon. Kasabay ng kaniyang pagtugon ang pag-ihip ng malakas na hangin. "May kompetisyon ukol sa sining ang isinaad kamakailan sa munisipyo sa bayan, nais kong lumahok paroon at manalo... Ang mananalo raw ay mabibigyan ng premyong salapi at pagiging isang iskolar sa isang paaralan na nagtuturo ng sinig"

"Ngunit ang mga gamit sa pagpipinta...?" Hindi na naituloy ni Elena ang sasabihin niya nang muling nagwika si Nicolas. "Ang patungkol naman doon, binigyan ako ni Lola Teresita ng mga gamit sa pagpipinta, mga capillo, mga pintura, at kuwadro. Kaya tinanaw ko itong utang na loob paroon kay Lola" Nakangiti niyang saad.

"Kaya pala... pasalamat sa Diyos at mayroong mabubuting taong kagaya ni Lola. Ang ipipinta mo nga pala... nakaisip ka na ba?" Tanong muli ni Elena, umiling si Nicolas bilang tugon. "Hindi pa, ngunit sa susunod na mga araw siguro ay makaiisip na ako, sa ngayon ay hindi pa" Tugon niya.

"Sulitin mo ang iyong oras, marami ka pa nito upang makaisip ng ipipintang larawan" Nakangiting wika ni Elena. Tumango si Nicolas at nakangiting bumalik sa pagguhit, si Elena naman ay humiga sa malayong damuhan katabi ni Nicolas.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago matapos ni Nicolas ang iginuguhit niyang larawan, ang tanawin lamang paroon sa mga kabukiran ang iginuhit nito. Maganda, polido, at walang masyadong bura, ngunit hindi ito ang kaniyang ipipinta, mas gusto ni Nicolas na ang ipipinta niyang larawan ang isang bagay na malapit sa kaniyang puso... isang bagay na hindi mapapalitan ng kahit ano. Isang bagay na mahal na mahal niya...

Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon