Kabanata 6:

57 32 63
                                    

Naalimpungatan si Nicolas nang makarinig siya ng ingay galing sa labas ng kanilang dampa, bahagya niyang ibinukas ang durangawan upang makita kung ano ba ang nangyayari sa labas, nakita lamang niya na binabayo ng malakas na hangin ang mga bayong na siya namang tumatama sa bakod kaya ito naglilikha ng ingay, isinara rin niya ang durangawan dahil madilim pa.

Akma na siyang hihiga nang mapansin niya sa kabilang kama si Pepito, nanginginig ito, parang natatakot siya, at lumuluha kahit pa nakatulog. Ngumiti naman si Nicolas saka niya kinuha ang kaniyang unan at kumot saka ito inilagay sa tabi ng kaniyang kapatid, humiga siya katabi nito at kinumutan niya ito upang hindi lamigin.

"Binabangungot ka Pepito, huwag kang mag-alala, nandito lamang ako" Bulong niya sa kapatid saka niya ipinatong ang ulo nito sa kaniyang braso, niyakap niya ito. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang kaniyang mga palad. "Matulog ka na nang mapayapa, huwag mo nang isipin ang mga nangyari kahapon" Bulong niya pa.

Ngumiti muli siya nang maramdaman niyang yumakap pabalik sa kaniya ang kapatid, nakangiti na ito ngayon at wala na ang bahid ng takot dito. Hinaplos ni Nicolas ang ulo ni Pepito upang ito ay makatulog na nang tuluyan, matapos itong makatulog ay siya naman ang umidlip.

Lingid sa kaalaman ni Nicolas na pinanonood pala sila ng kaniyang Lolo Gregorio, nakangiti at masaya ito, ngunit may bahid rin ng pangamba ang kaniyang pakiramdam, marahil ay narinig niya ang sinabi ni Nicolas patungkol sa nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya na muna ito isinaisip at siya na ay tuluyan nang nahimbing.

Kiinaumagahan, galit na galit ang matabang lalaki habang umiinom ng serbesa sa isang tindahan malapit sa sentro ng merkado. Marahil ay nakulong na nga siya, ay pinagbayad pa siya ng kaukulang danyos sa kaniyang mga nasira. "Napakamalas nga naman! Hindi ko pa napasakamay ang batang iyon! Nakulong pa ako at nagbayad ng danyos para sa mga nasira! Mga pesteng haragan! Lalo na ang Nicolas na iyon!" Sigaw niya sabay suntok ng malakas sa lamesa.

Napansin naman ito ng tagapangasiwa ng tindahan saka niya inusisa ang matabang lalaki. "Ano po ang problema Ginoo?" Tanong nito, napabaling ang matabang lalaki saka niya ito tinignan sa malamig na paraan. "May kilala ka bang batang lalaki, mga nasa labing tatlo o labing apat na ang edad, nagngangalan itong Nicolas?" Tanong ng matabang lalaki sa tagapangasiwa ng tindahan.

"Ah, iyon ba Ginoo? Bago po iyon ay nais ko lamang pong malaman ang inyong pangalan, malapit po ba kayo sa kanila?" Tanong ng tagapangasiwa. "Hindi mo na aioangang malaman kung sino ako, arahil ay hindi naman sa ganoon kalapit ang kaugnayan ko sa binata, ngunit may kailangan akong maturan sa kaniya" Nakangiti niyang saad.

Nais niyang malaman kung saan nakatira si Nicolas, gayon na rin si Pepito. Dahil gusto niyang maningil sa mga ginawa nito sa kaniya. "Ang batang si Nicolas ay nakatira sa isang maliit na dampa na pag-aari ng isang mataas na taong nagngangalang Nazario Handario, matatagpuan iyon sa kalapit na baryo dito sa sentro, ang baryo ng Himenes" Tugon ng tagapangasiwa, isang simpleng tango na lamang ang iginanti ng matabang lalaki saka siya nagbayad sa ininom niyang serbesa at kaagad na nagtungo sa sinaad na baryo ng tagapangasiwa.

Natutulog si Ginang Soledad nang makarinig siya ng ingay galing sa tahanan nila Nicolas, pasado katanghaliang tapat na noon at oras na ng kaniyang pahinga kaya naman nagtataka siyang lumabas sa tinitirhan niyang dampa. Nagulat siya nang makita ang mga bayong na ginagamit nila Lolo Gregorio upang ipangkaraga sa mga gulay na nakakalat na lamang sa paligid.

Laking gulat rin niya nang tumambang sa kaniyang paningin ang matabang lalaki, napaatras siya ng hakbang. "Huwag ka nang magtago pa! Lumabas ka ngayon din!" Sigaw ng matabang lalaki saka ito nagtungo sa harapan ng dampa. "Buksan mo ang pinto! Hindi ka na makatatakas sa akin ngayong bata ka!" Sigaw niya pa.

Sandali pa ay nilabas ni Lolo Gregorio ang matabang lalaki saka niya ito inusisa. "May maipaglilingkod po ba ako Ginoo?" Tanong niya rito, pilit namang sumisilip ang kinakabahang si Ginang Soledad sa gilid at pilit niyang dinidinig ang kanilang usapan.

"Ano ang maipaglilingkod mo?! Puwes, nais kong makuha ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki! Pipi siya, at alam kong dito siya nakatira kasama ng isang binatang nagngangalang Nicolas!" Sigaw niya, ikinabigla naman ito ni Lolo Gregorio saka siya napasinghap.

Kinahapunan, galing sa burol ang magkapatid na Nicolas at Pepito, nang sinalubong sila ni Ginang Soledad bago pa man sila makarating sa kanilang dampa. "Nicolas! Isang hindi inaaasahang gulo! Halika hijo! Halika!" Sigaw nito saka waring kinumpas niya ang kaniyang kamay, kaagad namang tumakbo si Nicolas patungo sa kinatatayuan ng Ginang at nagulat ito sa nakita.

Ang mga nagkalat na bayong sa gilid ng kanilang dampa at ang kanilang kariton. Napasigaw si Nicolas saka niya ito nilapitan at isa-isa niyang pinulot ang mga ito. "Nakakapanakit-damdamin! Sino naman kaya ang may gawa ng ganito kasamang bagay?!" Saad niya, batid sa kaniya ang pagkabigla at pagkainis.

Sandali pa ay namataan ni Nicolas na bumigkas ang pintuan ng kanilang dampa at lumabas dito ang matabang lalaki, ikinagulat naman ito ni Nicolas, kaagad na yumakap si Pepito sa kaniya, bilang proteksiyon na rin kay Pepito ay hinarang ni Nicolas ang kaniyang braso sa ulo nito.

Ngumiti ang matabang lalaki at saka sila nito nilapitan. "Ngayon ay alam ko na kung ano ang ikinabubuhay mo rito, Pepito pala ang ipinangalan nila sa iyo rito bata! Ngayon ay wala na akong paki-alam at hindi na ako makiki-isyoso pa sa iyo" Pilyong saad ng matabang lalaki sabay haplos ng marahan sa buhok ng batang si Pepito na nakayakap pa rin sa kaniyang kapatid.

"Hindi ko na kayo papaki-alaman pa, maging masaya ka na sana sa bago mong buhay, Pepito" Pilyong ngumiti ang matabang lalaki saka siya lumakad palayo, hindi rin naman naiwasang tumingin ito ng masama kay Ginang Soledad, bahagya namang natakot ang Ginang ngunit tuluyan na ring nakaalis ang lalaki.

"Lolo, ang lalaking iyon..." Panimula ni Nicolas ngunit pinutol siya ng kaniyang Lolo Gregorio sa pagsasalita. "Huwag ka nang mag-alala Nicolas, maayos na ang lahat. Wala nang iba pang suliraning haharapin si Pepito ukol sa pagiging sa atin niya" Nanlaki ang mga mata ni Nicolas saka siya napangiti at napabulalas.

"Wala na po? Hindi na po siya kukunin ng lalaking iyon?" Tanong niya, ngumiti naman si Lolo Gregorio saka siya tumango bilang tugon. "Oo, wala nang suliranin pa patungkol sa bagay na iyon dahil naayos ko na ang lahat" Nakangiti nitong saad. Kaagad namang yumakap si Nicolas sa kapatid, umiiyak ito, hindi dahil sa lungkot kung hindi ay dahil sa sayang kaniyang nadarama.

Ngayon ay makakasama niya na ng panghabang-buhay ang kaniyang itinuturing na kapatid. Mahal na mahal niya ang batang si Pepito, at hindi niya hahayaang mahiwalay ito sa kaniya. Pagkatapos ng tagpong iyon ay masayang naghapunan ang mag-lololo, saka sila natulog ng mapayapa, magkayap sa pagtulog si Nicolas at si Pepito, nakangiti sila at bahid ang sayang kanilang nadarama.




Nicolas Carolino: The Boy Who Drew My Portrait Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon