NEVER LOVE AGAIN SIMULA
"Happy birthday to you, Happy birthday to you. Happy birthday, Happy birthday, happy birthday Renesmee."Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Mama na hawak ang isang chocolate cake na may limang candles sa ibabaw nito.
Kumakanta siya habang naglalakad papalapit sa akin, hindi ko magawang alisin ang mga ngiti ko lalo na't kumpleto silang lahat. My busy Papa is here, just to attend my 17th birthday, my friends are also here too at ang iba pa naming kamag-anak. They are wearing a genuine and happy smile on their faces.
"Mag-wish kana anak." Nakangiting saad ni Mama sa akin nang makalapit na siya. Ngumiti ako sa kanya at pumikit.
I wished to have a longer and happy life with them.
Nang ibuka ko ang aking mga mata ay hinipan ko na ang candle, pumalakpak naman sila sa tuwa. Inilagay ni Mama ang cake sa lamesa at niyakap ako.
"Happy Birthday anak," Bulong niya sa akin at hinalikan ang noo ko.
"Thank you Mama." Nakangiting tugon ko sa kanya.
Nang kumalas kami sa pagyayakapan ay lumapit naman si Papa at niyakap ako.
"Happy Birthday princess," bati niya sa akin, he's always calling me princess. Only girl ako sa aming magkakapatid, I have two kuyas at ako ang bunso.
Nagpasalamat ako kay Papa nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ang kabouan ko.
"Look at you, all grown up but you're still my princess."Natawa ako sa sinabi niya, yumakap ulit ako sa kanya at sumali na si Mama sa amin.
Matapos akong batiin ng mga magulang ko ay lumapit naman ang mga kaibigan ko para bumati, may mga dala pa talaga silang mga regalo sa akin. Pareho silang nakasout ng dress na talaga namang bagay sa kanilang dalawa, lalo silang gumanda.
"Happy birthday Reness." Nakangiting bati ni Ella sa akin at yumakap. Nagpasalamat naman ako sa kaniya pagkatapos niyang iabot sa akin ang dala niyang pink na paper bag.
"Happy Birthday Reness," bati din ni Aerith sa akin, ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Inabot niya sa akin ang isang box na may velvet na wrapper.
Inilagay ko sa isang lamesa na lalagyan ng mga regalo ang mga ibinigay nila sa akin at dinaluhan sila sa mesa na inilaan para sa mga kaklase at kaibigan ko. Pagdating ko sa lamesa ay agad silang bumati sa akin kaya naman ay nagpasalamat ako na may ngiti sa mga labi. Nagpasalamat ako sa pagpunta nila sa birthday ko, lalo na ang mga kaibigan ko na talaga namang hindi pumalya sa pagpunta.
"Ngayon naman, tawagin natin ang birthday celebrant para sa kaniyang gagawing pagtatanghal," saad ng emcee, nagpalakpakan silang lahat matapos marinig ang sinabi ng emcee.
May ginawa kasing program sila Mama para sa birthday ko kaya naman nag volunteer akong kumanta sa harap ng mga bisita. Nakangiti akong tumayo at naglakad papunta sa mini-stage na nasa backyard ng bahay kung saan ginanap ang party.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng hilo at parang dumidilim ang paningin ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga magulang ko pero hindi ko sila mahanap. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at para na akong matutumba ano mang oras.
May naririnig akong mga boses pero hindi ko maintindihan ang mga iyon. Unti-unti akong nanghihina, my knees wobbles but I still keep walking . Mukha ni Mama ang nakita ko na may sinasabi sa akin pero di ko na makita ang buka ng bibig niya nang bigla na lang akong lamunin ng kadiliman.
When I got my senses back, agad kong naamoy ang amoy ng gamot at alcohol. Nang subukan kong igalaw ang kanan kong kamay ay naramdam ko ang tube ng IV fluid na nakakabit dito. Sinubukan kong imulat ang mata ko pero di ko magawa.

BINABASA MO ANG
Never Love Again
JugendliteraturI expected to meet my man at the age of 20, but look, you came 2 years earlier. - Renesmee Guevarra Disclaimer: Credits to the owner of the Book Cover.