11

6 2 9
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 11

I don't know why I feel so down the whole dinner. Habang nagtatawanan sila Kuya, ni hindi ko magawang ngumiti. Kahit ano'ng gawin kong pagpipigil sa sariling hindi lingunin ang kinaroroonan nila Cayden at no'ng babae, natatagpuan ko na lang ang sariling nakatingin sa kanila. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko nang hindi niya man lang ako magawang lingunin o tapunan ng tingin kahit saglit lang.

Natapos ang dinner na pinipilit ko na lang ngumiti kina Kuya. I'm so glad that they didn't notice my sour mood. Alas otso kami ng gabi nakauwi at agad akong dumeretso sa kuwarto sa di malamang dahilan ng sobrang bigat ng katawan ko.

Pagkapasok sa loob ng kuwarto, agad akong humilata sa kama at pinikit ang mga mata. Agad na pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Malakas akong napabuntonghininga at pinagalitan ang sarili.

Huwag mo siyang isipin Ren! You're nothing to him right? You were just a mere stranger who happen to watch sunrises with him. And everything ends there, nothing more, nothing less! You shouldn't feel proud because you're with him, it was just nothing after all. A common moment and scene actually.

Kahit ayoko na bumangon, at gusto ko na lang mahiga sa kama, hindi pwede. I still need to drink meds.

Pagkatapos kong mainom ang mga gamot ay nagbihis lang ako ng pantulog at muling nahiga sa kama. Hindi rin naman nagtagal ay agad akong nakatulog.

Naggising ako dahil sa narinig kong tunog mula sa bintana sa veranda. Napakunot ang noo ko ngunit hindi pa rin dinidilat ang mga mata. Pinakiramdaman ko nag paligid at baka nagkakamali lang ako.

Muling may tumunog sa veranda na para bang may binabato roon. Agad akong nilukob ng kaba. Napakapit ako sa kumot ko at napabangon. Madilim ang kuwarto ko at may kunting liwanag lang sa labas. Nang napatingin ako sa mesa na nasa gilid ng kama ko, alas kuwatro pa lang ng umaga.

May nagnanakaw ba ng alas kuwatro ng madaling araw? Meron ba no'n?

Napapitlag ako nang muling may bumato sa bintana. Kahit kinakabahan, dahan-dahan akong bumangon mula sa kama ko at boung ingat na huwag makagawa ng ingay naglalakad papunta sa bintana. Habang papalapit ay mas lalo lang lumalala ang kaba ng dibdib ko.

Walang anino akong nakikita sa may bintana kaya medyo nabawasan ang kaba ko. Muntikan nga lang akong mapasigaw nang bigla na lang may narinig akong boses sa labas. Nanindig ang mga balahibo ko nang tawagin pa nito ang pangalan ko.

"Psst! Ren!" Kumunot ang noo ko nang mapamilyaran ang boses na 'yon.

My tensed body loosen up a bit and still cautiously walk towards the veranda and there, I saw him. He's standing in his room's veranda. He's wearing a black hoodie jacket and black pants. Both of his hands are inside of it's side pockets. My breathing halt as I saw how beautiful he is. Deep set pitch black eyes, thick long eyelashes, pointed nose, and pink lips. White smokes came out of his mouth because of the cold weather.

"What are you doing?" I asked him as I shamelessly check him out. Why would I be ashame right?

"Tara!" Masiglang wika niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko at nagtagpo ang mga kilay.

"Where?" Naguguluhan kong tanong.

"Sunrise?" Ngumiwi siya pagkatapos. Naalala ko naman ang nangyari no'ng nakaraan. Mula sa pagkakunot ng mga noo, tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib ko. Nakita ko namang naalarma siya at napalunok.

"Bakit mo naman ako iimbitahan? Bakit hindi si Hazel?" May bahid ng galit at pagtatampo ang boses ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Hindi naman ako masyadong marupok. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin sa tingin niya ba papayag ako sa alok niya ngayon? Syempre! Dapat pilitin niya muna ako.

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon