3

11 2 15
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 3




Maaga akong naggising kahit na hindi ko na alam kung anong oras na akong natulog kagabi. The first thing I did was to looked on the mirror, shems!  Halos mapasigaw ako nang makita ang dark circles sa ilalim ng mata ko. I caress my face, sobrang putla ko pala talaga. My lips are so dry, I licked it but nothing happened.

Ilang oras din akong nagbabad sa shower, hoping that the coldness of the water would help to remove the circles. Nang ma kontento ay mabilis akong lumabas at nagbihis ng isang black short shorts at maluwag na white shirt.

Palabas na sana ako ng kwarto nang bigla ko nalang naramdaman ang pagsakit ng ulo. Napasandal ako sa pintuan at sinapo ang ulo ko. It's painfully throbbing but bearable. Kahit na nanakit pa din ang ulo ay gumapang ako papunta sa drawer kung nasaan nakalagay ang painkillers kung sakali mang mangyari ang ganito na talaga nga namang nangyari.

Kinuha ko ang isang tablet at mabilis na ininom yun. Walang tubig sa kwarto kaya naman sobrang sakit ng lalamunan ko nang nilunok ang gamot. I was left with no choice, sobrang sakit lang talaga ng ulo ko. Kung bababa pa ako para kumuha ng tubig ay baka mahulog lang ako sa hagdan.

"Shit!" Sumandal ako sa drawer at pilit na pinapakalma ang sarili ko. I guess this would be my life for the next days, or weeks, months hanggang sa kung saan lang talaga ako.

I inhaled deeply and fix myself. I brushed my hair using my fingers and wiped the beads of sweats on my forehead. Hindi ko na nararamdaman ang sakit ng ulo ko, I guess umepekto na ang gamot. They don't have to know about this, they'll only get worried and worst they would panic. Baka nga in a second I'm already at the hospital, nakaratay at may nakaturok na IV fluid sa braso ko.

Naabutan ko sila Kuya Raven at Kuya Rhys na nag-uusap sa sala, naka on yung tv pero nag-uusap sila. Ang ibang kasambahay ay may kanya-kanyang ginagawa sa bahay.

"Good morning..." I greeted them, natigil sila sa pag-uusap at napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Good morning bunso."

"Good morning princess."

They greeted me in unison. I smiled and acted like I didn't experienced that pain on my head na para bang tinutusok ang ulo ko ng kung anong metal na bagay.

"What happened to you?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ni Kuya Raven sa akin, I felt my heart beat faster than the usual. Napalunok ako at hindi mahanap ang boses ko para sumagot. Nahalata kaya niya? Am I too obvious?

"H-huh? W-what do you... m-mean?" I stuttered because of this uncontrollable fear and nervous.

He pointed his eyes and pointed mine too. Nang matanto ang sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag. Hilaw akong napangiti sa kanilang dalawa at kinapa ang ilalim ng mata ko na sigurado akong may bakas pa ng dark circles.

"You guys are so noisy last night, nahirapan akong matulog." I shrugged and sat between Kuya Raven and Kuya Rhys. "May isang tao diyan na kung magsalita ay parang siya lang yung tao."

"Not me," depensa agad ni Kuya Rhys sa sarili niya. Natawa naman kaming pareho ni Kuya Raven sa kaniya. Sobrang defensive! Siya lang naman yung sobrang maingay kagabi, halos siya lang yata yung nagsasalita sa kanilang tatlo eh.

Natahimik kaming tatlo nang matoun ang atensyon sa pelikula na nakaplay ngayon sa tv. Nakatingin lang ako dun pero parang wala naman akong masyadong naiintindihan sa palabas.

"Will you go back to school bunso?" Kuya Raven suddenly asked me. Napalingon naman ako sa kaniya, his question is so random.

"Yeah, maybe next week. Ang dami ko ng namiss na mga lessons. Kailangan kong humabol, gusto kong grumaduate ng high school." Natigilan ako.

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon