NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 5
Humahangos na pumasok sa loob ng kwarto sila Mama, she cried when she saw me. Kasunod sa likuran niya si Papa at sila Kuya. Nakasout pa ng uniform di Kuya Rhys at Kuya Raven, halatang galing lang sa school. It's still early kaya baka pumunta na sila dito hindi pa man natatapos ang klase nila.
"Oh my God Ren! Are you okay?" Tanong ni Mama, she cupped my face and scanned it.
"I'm okay Ma."
"Sabi ko na nga bang hindi magandang ideya na pumasok ka pa."
"Are you okay anak?" Tanong ni Papa.
"I'm okay Pa." Sagot ko sa kaniya at ngumiti.
"We're so worried of you, akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Mabuti nalang at tumawag si Cayden at sinabing nandito ka raw." sabi ni Kuya Raven, lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Yeah, he was the one who brought me here." Sagot ko at tiningnan si Cayden na ngayon ay nakatayo na.
"Thank you hijo. We owe you a lot." Pasasalamat ni Mama sa kaniya.
"It's nothing Tita, ginawa ko lang ang tama."
"Thank you hijo."
"It's nothing Tito, I'll go ahead po." Paalam niya.
"Salamat." Magkasabay na saad nila Kuya sa kanilang dalawa na tinanguan niya lang bago siya tuluyang umalis.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa aming lahat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.
"You'll stay in our house Ren. Kung gusto mong mag-aral, you can study there. But risking your health outside will never be an option." basag ni Mama sa katahimikan.
"Pero maa..." Tutol ko.
"No! It's final anak. Ano? Hihintayin pa ba nating may mangyari sa'yong masama ha?"
"Wala namang nangyaring ganun ma..."
"Wala, kasi dumating si Cayden. Paano kung hindi siya dumating? Paano kung walang dumating para matulungan ka? Paano ha? Naisip mo ba kami?" Nagsimula ng umiyak si Mama, nanikip ang dibdib ko na makita siya ganito.
Ayoko naman silang saktan, ang kapalit ba ng kagustuhan kong maging normal ang buhay sa mga natitira kong oras ay ganito? Ang masaktan sila? Wala naman akong intensyong ganun eh. I don't want to hurt anyone.
"Naisip mo bang masasaktan kami ha? We don't want to lose you anak, naiintindihan mo ba yun?" Isa isang tumulo ang mga luha ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Mama.
"G-gusto ko lang naman sulitin yung mga oras ma..." Umiiyak na sagot ko. I wiped my eyes and cheeks but the tears are still falling. "How can I even leave all of you knowing that I was just caging myself in my room? Waiting for my— e-end..."
"Anak..." Lumapit na si Papa sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Huwag mo ngang sabihin yan."
"Totoo naman... I'll— I'll die." Humagugol na ako ng iyak. I can't believe that I'm saying this. Ni hindi ko nga matanggap ang lahat ng mga nangyayaring 'to eh. It changed my whole life in a snap.
BINABASA MO ANG
Never Love Again
Teen FictionI expected to meet my man at the age of 20, but look, you came 2 years earlier. - Renesmee Guevarra Disclaimer: Credits to the owner of the Book Cover.