8

8 3 17
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 8

"Cayden?" Hindi makapaniwalang saad ko nang makilala ang lalaking tumatakbo kanina. Muntikan pa talaga akong tumakbo palayo dahil akala ko masama siyang tao.

"Renesmee?" Naguguluhan niyang tanong.

"Anong ginagawa mo dito?" We asked in unison. Natawa kaming dalawa.

"Naglalakad lang."

"Gusto kong makita ang sunrise."

Sabay ulit kaming sumagot kaya sa huli, pareho kaming napangisi. It didn't felt awkward anymore, I grew to be comfortable around him a little. I felt a little nervous but not like before.

Mahina kong itinulak ang sarili ko upang gumalaw ang duyan na kinauupuan ko. Nakangiti akong nakamasid kay Melody na ngayon ay tumatakbo sa damuhan. Puti ang balahibo ni Melody, at nakatali ang mahaba niyang balahibo sa tuktok ng ulo niya para hindi matakpan ang mga mata niya. May ribbon pa nga ang tali kaya mas naging cute siya. Maliit din kasi na klase ng aso si Melody.

"Bakit mag-isa ka lang dito?"

Napalingon ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Cayden sa isa pang duyan nang tinanong niya ako. Tipid akong ngumiti at agad na ibinalik ang tingin kay Melody na ngayon ay tumatalon-talon na para bang may hinuhuli. Tumingala ako at napapikit nang masilaw ako ng sinag ng araw.

Sumikat na ang araw nang hindi ko man lang namalayan. Mula sa natingala na kahel ay unti-unti na iting nagkukulay dilaw. Ang sarap pagmasdan ng ganitong tanawin lalo na kung sobrang tahimik ng paligid. Parang hinihile ang bou kong pagkatao dahil sa magaan na pakiramdam.

Patuloy lang akong nakatingin sa araw. Ramdam ko ang paninitig niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

Huminga ako ng malalim, "Gusto kong makita ang pagsikat ng araw ngayon ng mag-isa."

"Bakit naman? Mas magandang pagmasdan ang pagsikat ng araw kapag may kasama ka," sagot niya.

"Alam ko. Mas maganda nga'ng pagmasdan ang ganito kapag may kasama, kasi hindi lang ikaw ang makakakita ng isa sa mga obra ng Diyos." Lumingon ako sa kaniya. Tinitigan ang mga magaganda niyang mga mata. "It would be better to watch it with someone, someone special perhaps, but with my situation, I'd rather not. I don't want to create memories with someone like this because I knew they'll start to hate it when I'll leave," dagdag ko.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at nagsalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa sagot ko. Siguro maski siya ay naguguluhan. Lumunok siya at agad na nag-iwas ng tingin.

"A-anong ibig mong... sabihin?"

"We people, we sometimes hate what we used to love. May it be a person, things or places that gave us a lot of memories to remember. And in order for us to forget it, the easiest way is to hate it," saad ko.

That's the truth about humans, in order to forget, we always feign hatred towards it.

"Why hating something you used to love? When you can love it until you no longer do? Ubusin mo lang 'yong pagmamahal na natitira nang sa gano'n, tanging pagtanggap na lang ang gagawin mo sa huli." Umawang ang labi ko sa naging sagot niya. "Hindi ba't parang pinagsinungalingan mo na rin ang sarili mo? Ang dapat mong unang gawin ay ang pagtanggap."

Tama naman siya dahil pinipilit nating pinagtatakpan ng galit ang pagmamahal at pagkamiss na nararamdaman natin upang makalimot. 'Yun nga lang, ibinabaon lang natin ang nararamdaman natin pero ang totoo, hindi talaga natin nakalimutan. Natakpan lang, nabaon sa kasuluksulukan ng ating puso't isipan, at akala natin paglimot na iyon.

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon