2

11 3 2
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 2




"Would you mind to introduce this young lady here?" He suddenly asked and glanced at me. He's baritone voice echoed all over the place. I could feel my whole body trembling. I don't know where this nervousness are coming from.

"Ah yes. This is our little princess, Renesmee." Nakangiting pakilala ni Kuya Raven sa akin.

Hindi ko na sana papansinin si Cayden pero pinanlakihan ako ng mata ni Kuya Rhys na para bang sinasabi na I should act nicely. Pilit akong ngumiti kay Cayden na halos mapunit na ang labi ko, he only smiled a little.

"Off limits pa yan." Umakbay sa akin si Kuya Rhys, itinaas naman ni Cayden ang dalawang kamay niya at umiling. Baliw talaga, akala mo naman talaga magugustuhan ako ng lalaking 'yan!

Inaya nila Kuya si Cayden na samahan kaming kumain pero he refused dahil may pupuntahan pa siya. May pinapagawa raw sa kaniya ang mommy niya, wala sa itsura niya ang sumunod. Baka pinitik muna siya sa noo. Napahagikhik naman ako sa naisip.

"Hey, sinong kumikiliti sa'yo diyan?" Sinilip ako ni Kuya Raven sa rearview mirror, katabi niya sa driver seat si Kuya Rhys habang nasa likuran naman ako. Pauwi na kaming tatlo, pagkatapos naming kumain kanina ay nag desisyon na kaming umuwi dahil iinom pa ako ng gamot.

"Yung imaginary friend niya." Natatawang sagot ni Kuya Rhys, inirapan ko naman siya. Wala naman kasi akong imaginary friend, never ako nagka-imaginary friend no!

"I hate you." Madiing sagot ko.

"That's her favorite line now." Sabat naman ni Kuya Raven. Inirapan ko lang sila pareho, I crossed my arms over my chest and looked at the window.

"Ang moody mo na Ren. Okay ka lang?"

"Yeah I'm fine, inaantok lang ako."

"Okay, matulog ka muna. Gigisingin ka nalang namin mamaya." lumingon sa akin si Kuya Rhys, tumango lang ako sa kaniya at pinikit ang mga mata ko.

***

"Oh anak! Oh God! Akala ko hindi ka na lalabas ulit ng kwarto." Bungad ni Mama sa amin pagkarating namin sa bahay, ginising ako nila Kuya nang nasa tapat na kami ng bahay. Maluha-luhang saad ni Mama, niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Hindi niya siguro afford ang gluta ma, kaya nagkukulong nalang sa kwarto para pumuti." Pang-aalaska ni Kuya Rhys, sasapakin ko na sana siya nang awatin kami ni Mama.

"Tama na 'yan. Pumasok na tayo sa loob." Inakay ako ni Mama papasok sa loob ng bahay. "You go to your room muna anak, dadalhin ko doon ang iinumin mong gamot this morning."

Tumango naman ako kay Mama.

"Okay po, I'll just wait there." Nang ngumiti siya ay umakyat na ako para pumunta sa kwarto.

Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. I haven't open it since the incident. I'm just afraid to drop the bomb to them. They've been a big part of my life, I don't want them to worry.

Is not replying to them won't make them worry? Sigaw ng isang boses sa utak ko.

Umupo ako sa gilid ng kama, kinuha ang cellphone ko at binuksan yun. Sunod-sunod na lumabas ang mga notifications kabilang na doon ang mga messages ng ilan kong mga kaklase, may mga messages nga pati ang mga subject teachers ko.

Nag-scroll ako sa messages at nakita ang mga messages nila Aerith at Ella. Sobrang dami nun na tingin ko ay noong mga nakaraang linggo pa.

From Aerith:
Hey how are you doing? Okay ka na ba?

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon