4

7 3 5
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 4




"Are you sure about this? Pwede ka namang hindi pumasok, I'll talk to the principal."

Tiningnan ko si Mama mula sa repleksyon niya sa salamin. I smiled at her, and turned around.

"Ma... I'm okay." I held her hands. "Tsaka nandun naman sila Aerith at Ella eh, they'll take care of me."

"Pero anak... Paano kung bigla nalang sumakit ang ulo mo?"

"Ma, don't worry okay? I'll be fine."

Bumuntong hininga siya, he caress my hair and then my cheeks. She smiled sweetly at me. Nag-aalala pa din siya pero tumango di naman para pumayag. After Aerith and Ella visited me the other day, I decided to go back to school. Namimiss ko ng pumasok at mag-aral.

"Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo okay? Drink your meds at the exact time. Tumawag ka kaagad kapag may problema hm?" Paalala ni Mama sa akin habang hinahatid niya ako sa sasakyan. From now on Mang Ben will send me and fetch me from school.

"Yes ma, I will." I assured her. "I have to go na po." I kissed her cheeks and bid goodbye.

Kahapon ay bumalik na si Kuya Raven sa condo unit niya samantalang si Kuya Rhys naman ay nauna nang pumasok sa school ngayong araw, may activity daw sila at kailangan pumasok nang maaga. They both even insisted to send me to school but I refused, ayos lang naman ako. Hindi na nila ako kailangang hatid.

I want to go to school kahit tapusin nalang ang school year na 'to. Ilang buwan nalang din naman recognition ko na kaya okay lang din kung tapusin ko ang pag-aaral. Kahit man lang makapagtapos ako ng Grade 12 okay na.

Tahimik ako habang binabaybay namin ang daan papunta sa school, my doctor said that I might forget some things as the days goes so I want to memorize every corner of this city where I grew up. Ayokong makalimutan ang bawat sulok ng lungsod na 'to, ayokong maging estranghero sa lugar kung saan ako lumaki.

Mabilis lang akong nakarating sa school, nagpasalamat ako kay Manong Ben at agad ding pumasok sa gate ng school.

"Uy! Good morning hija!" Bati sa akin ng security guard.

"Good morning po!" Bati ko din sa kaniya at kumaway.

"Matagal kitang di nakita ah."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, I always see him here every morning and he'll always greet me with a smile. Binabati ko din siya, medyo naging close ko din siya dahil dun.

"Nagkasakit lang po..." sagot ko.

"Ganun ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?"

Tumango ako, "opo!"

"Good morning manong!" Bati sa kaniya ng isang estudyanteng bagong dating. Binati naman niya iyon, that's my cue to leave and continue walking.

Marami akong nakakasalubong na mga estudyante na kadalasan kong nakakasalubong dati. May mga bagong mukha din, hindi ko alam kung transferee ba iyon o kung hindi ko lang talaga sila nakita dati.

Malayo pa man ako sa classroom ay sinalubong na ako ng iba ko pang mga kaklase, asking me why I didn't attend classes for weeks. I just answered them that I was hospitalized. That ends their questions about it and told me that it's good that I'm better now.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay wala pa sila Aerith at Ella. Hindi nila alam na papasok ako ngayon, I'm sure they'll be surprise to see me here.

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon