10

2 2 17
                                    

NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 10

The next day, my Kuya Raven and Kuya Rhys still didn't want to talk to me kahit pa ilang beses kong sinubukan na kausapin silang dalawa. Mas nahirapan ako dahil nag-aaral sila.

Nanatili na lang ako sa loob ng bahay boung maghapon, naghihintay kung kailan iinom ng mga gamot. Hindi rin ako pumunta sa park ngayong araw at sa veranda na lang ng bahay inabangan ang pagsikat ng araw. Tuwing naalala ko 'yong nangyari kahapon hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Muli na namang sumagi sa isipan ko ang kasama niyang babae kahapon. I can't believe that I fell for that trap. What would I expect right? Kakilala pa lang naman niya sa akin for sure 'yong kasama niya kahapon matagal na niyang kilala. Why would he waste his time on me right? Naging bulag lang talaga ako dahil nagpadala ako sa sarili kong emosyon.

Napabuntonghininga ako at hindi sinasadyang napatingin sa labas ng bintana. Natigilan ako nang makita si Cayden na nakahilig sa railings ng veranda ng kuwarto niya at nakatalikod sa akin. Nakita ko ang handle ng gitara kaya hula ko 'yon ngayon ay ang pinagkakaabalahan niya. Dahan-dahan kong binitawan ang hawak na sketch pencil at itinoun ang boung atensyon sa kaniya.

I didn't know why no matter how he hurt me so much the other day there's still something in him that made me wants to know what he's been doing.

Napakurarap-kurap ako nang marinig ang tunog ng gitara niya. Ang kaninang mahinahong pagtibok ng puso ko ay naghuhurumentado na ngayon. Bawat pagtugtog ng gitara niya ay siya namang pagbilis ng ritmo ng puso ko.

"I could stay awake just to hear you breathing..." Parang may bumara sa lalamunan ko nang kantahin niya ang unang linya ng kanta. "Watch you smile while you are sleeping..."

Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng bawat tibok ng puso ko. Mali ba ang diagnosed ng doctor? Baka may sakit talaga ako sa puso at hindi sa utak.

Si Hazel ba ang iniisip mo sa bawat katagang lumalabas sa bibig mo Cayden? Is she someone more special? Is she's the reason why you're treasuring every moment? Is she?

"While you're far away and dreaming..." Muli niyang kinaskas ang gitara habang ginagalaw ang ulo niya na parang dalang-dala sa kinakanta.

I've already heard this song before. Ganitong mga kanta ang gusto nila Mama, mas modern at mas malalim nga ang pagkakanta ni Cayden. Malalim at magaspang ang boses niya pero bumagay iyon sa kanta. Bawat salita ay punong-puno ng emosyon at sumusugat iyon sa puso ko.

"I could spend my life in this sweet surrender..." Mas mahaba ang pagkanta niya sa huling salita at kumulot ng kunti ang boses niya na nagpanindig ng mga balahibo ko.

Napapikit ako at napaawang ang mga labi. Parang nagpabalik-balik sa isip ko ang tono ng boses niya.

"Cayden?"

Napadilat ang mata ko nang marinig ang boses ni Tita Chelsea sa kabilang bahay. Nakita ko siyang lumapit kay Cayden habang nakangiti. Natigil sa paggi-gitara sI Cayden at napatingin kay Tita Chelsea na nasa harapan na niya ngayon. Napatayo naman ng maayos si Cayden at inayos ang damit na nagusot dahil sa pagkakaupo at paggi-gitara niya ngayon lang.

"Let's go? Halsey's waiting already," saad ni Tita.

Natigalgal ako nang banggitin ni Tita ang pangalan ng babaeng 'yon. I didn't know that they're also close too. I don't know why I'm hurt by that fact.

Naglakad si Cayden papunta sa mommy niya nang hindi man lang ako nililingon. Napasinghot ako at doon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko.

Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon