NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 12
Napabuntonghininga ako nang maggising na naman ako sa loob ng hospital room. Muli na namang nanout sa ilong ko ang amoy ng alcohol at antiseptic. Wala akong ibang nakikita kung hindi ang puting pintura ng boung kuwarto at kurtina.
Bakit na naman ako nandito?
Muli akong napabuntonghininga nang maalala ang nangyari kanina. Napabangon ako nang maalalang si Cayden ang kasama ko kanina. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Alam na kaya niya? Would he pity me?
Napaangat ang tingin ko nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko nang si Cayden ang pumasok sa loob ng kuwarto. He kept a safe distance between the two of us. I couldn't take my eyes away from him.
He looked... devastated.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa nakikitang reaksyon sa itsura niya, lalo na sa mga mata niya. Parang nilumukos ang puso ko nang lumaylay ang balikat niya at napabuntonghininga.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin at kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba. Sobrang lakas ng dagundong no'n na parang ano mang oras ay lalabas na 'yon mula sa loob ng dibdib ko.
Sobrang sakit ng lalamunan ko nang lumunok ako dahil parang nanuyo ang lalamunan ko sa bawat segundong lumilipas. Magsasalita na sana ako nang maunahan na niya ako.
"Bakit hindi mo sinabi?" May hinanakit na tanong niya. Hindi ako makapagsalita pero ramdam ko 'yong sakit hanggang buto. Ganito pala 'yong pakiramdam.
Umiwas ako ng tingin nang tinitigan niya ako sa mga mata.
"K-kailan pa?"
Nahigit ko ang hininga ko nang may bumarang bikig sa lalamunan na nagpapahirap sa akin, dagdagan pa ang pinipigilan kong luha na tumulo sa harapan niya. Hindi ako nagsalita at pinakalma ang sarili ko.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Muling sumagi sa isipan ko ang itsura niya kanina. He looked devasted and lost. Para siyang batang nawawala sa gitna ng maraming tao at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon kung hindi ko pa man sinasabi ang totoo para na siyang mawawalan ng lakas.
"Ren..." He called me gently. It's almost a whisper. I can hear agony in his voice, the pain is piercing through my bone and all I wanted to do now is to remove that pain but I don't know how to do it. If only these are all just a dream, I'll wake him up.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay naming magkadikit. It feels so warm and safe. Mas mainit pa sa pakiramdam kapag naririnig ko ang boses niya. Ibang klase ng init na imbes magpakampante sa akin, mas lalo lang dumagdag sa takot na nararamdaman ko ngayon.
Huminga ako ng malalim bago kumuha ng lakas para makapagsalita.
"It doesn't need to be broadcast anyway," sagot ko sa mahinang boses, sapat lang para marinig niya ang sinabi ko.
"Ren..." Even though it sounds gentle, there's still a hint of protest in his voice.
Inangat ko ang ulo ko at nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil mas nakita ko lang ng malinaw ang emosyon sa mga mata niya.
I stared at his beautiful eyes. Memorizing it's orbs because I might forget about them one day. His long lashes that compliments his beautiful eyes. He looked so beautiful up close. And I can die staring on them forever.
BINABASA MO ANG
Never Love Again
Novela JuvenilI expected to meet my man at the age of 20, but look, you came 2 years earlier. - Renesmee Guevarra Disclaimer: Credits to the owner of the Book Cover.