NEVER LOVE AGAIN CHAPTER 9
Time flew so fast, it was already the end of November now and the blew of the wind gets colder each day.
I'm still under my medication and my situation's getting worst everyday. The bearable headaches before became too much to handle now. I always scream because of the pain that comes with it. Para na rin akong mabibingi sa matinding pag-ugong sa tenga ko at minsan pa ay parang may matinis na tunog rito na nagpapalala sa nararamdaman ko. Mama and Papa insisted to bring me to the hospital but I refused.
Kung pupunta ako sa hospital, hindi ko makikita si Cayden sa park. Wala siyang kasamang manood ng sunrise habang naggi-gitara at kumakanta. Masakit makitang nahihirapan sina Mama na nasasaktan dahil sa akin pero hindi ko alam kung bakit tutol ako sa gusto nila. I always refused their wish to bring me to the hospital and always found myself sneaking out of the house and meet Cayden there.
I put my hands at the pocket of the pink hoodie I'm wearing this morning. A white smoke came out of my mouth as I exhale. I was looking at the entrance of the park waiting for him to come here this morning. Nakangiti akong umiwas ng tingin sa gate at napatingin sa unahan. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makitang hanggang ngayon ay madilim pa rin ang langit, wala pa rin ang araw. Makulimlim.
Napatingin ako sa cellphone kong dala at nakitang malapit nang mag alas singko ng umaga. Napatingin ako sa paligid at napabuntonghininga.
"Nasaan ka na?" Mahinang tanong ko habang hindi mapakaling nakatingin sa paligid.
Hindi naman kami nag-usap na magkikita ngayon, palagi naman, pero pumunta pa rin ako dito at umaasang pupunta siya. Yumuko ako at sinipa ang bato na nasa paanan ko. Dinuyan ko ang sarili habang pinapalipas ang oras.
Lumipas ang oras at hindi ko namalayang kanina pa pala ako nandito at naghihintay sa kaniya. Sikat na sikat na ang araw at ni hindi ko man lang namalayan iyon. Naramdaman ko na lang ang init na dala nito nang unti-unting tumigil ang paggalaw ng swing.
Mapakla akong napangiti nang matantong hindi na siya darating. Sumakit ang puso ko at mas lalo iyong sumakit nang huminga ako ng malalim.
Akala ko sa utak lang 'yong sakit ko, sa puso din pala.
Tumayo ako mula sa swing at umuwi sa bahay. Tahimik lang akong naglalakad habang ninanamnam ang pag-iisa. Hindi ko alam kung bakit disappointed ako na hindi siya dumating, hindi naman siya obligadong pumunta rin sa lugar na 'yon.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang komosyon mula sa bahay. Natigil ako sa tapat ng gate nila Cayden nang makita si Kuya Rhys na mabilis na lumabas ng gate. May hawak siyang cellphone at may nakaabang na sasakyan sa gilid ng daan. Nang tumingkayad ako para makita kung sino ang nasa drivers seat, nakita ko roon si Kuya Raven na nag-aalala habang nakatingin kay Kuya Rhys.
What's happening? May nangyari ba habang wala ako?
Hahakbang na sana ako papalapit sa kanila nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kaniya. Napaawang ang labi ko nang makita si Cayden sa harapan ko ngayon.
Nagngingitngit sa galit at pag-aalala ang itsura. Napakunot ang noo ko pagkatapos ay napakurap-kurap.
What's happening? Why does everything felt so weird?
"Where have you been Ren?" Mariing tanong ni Cayden sa akin. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Iniwas ko ang mga mata ko at tumingin sa baba kung saan hawak niya ang braso ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Mula sa kaniya ay napadako ang paningin ko sa katabi niyang babae na ngayon ko lang napansin. Tahimik akong napangisi nang may natanto.
![](https://img.wattpad.com/cover/255562000-288-k216457.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Love Again
Teen FictionI expected to meet my man at the age of 20, but look, you came 2 years earlier. - Renesmee Guevarra Disclaimer: Credits to the owner of the Book Cover.