"Where's our Belle?! Tawagan niyo! Two hours na lang magsisimula na ang program!"
"Tinawagan na namin, Pres. Pero ring lang nang ring, eh."
"Huwag niyong tigilan! Alam naman niyang dapat maaga palang nandito na siya, tapos anong oras pa darating. Si Chianna talaga, bakit ngayon pa nagpa-late?"
Napailing-iling na lang ako habang nakikita kong nagkakagulo na ang mga kasama namin dito sa backstage. Siksikan na nga kaming lahat, tapos panay pa ang paglilikot nila. Lalo lang tuloy umiinit ang paligid.
Halos lahat sila ay hindi na magkandaugaga sa pag-aayos ng mga props na gagamitin nila sa play mamaya at ang iba naman ay umuusal na ata ng panalangin sa kung sino-sinong santo. Humihiling na sana dumating na si Chianna, ang gaganap na Belle sa araw na 'to para sa stage play naming Beauty and The Beast.
Kasali kasi ang section namin sa play kung saan kaming mga freshmen mula sa iba't-ibang department ang maglalaban-laban. Pinagdiriwang kasi ngayong buwan ng September ang ika-tatlumpu't tatlong anibersayo ng Henris University, ang school namin.
Everyone was nervous but excited at the same time for this play, kaso iyong pinaka-importante naming tauhan, wala pa rin hanggang ngayon. Hindi na tuloy sila nakapag-rehearse ulit.
Tumatagos na hanggang buto ko ang stress na nararamdaman ng mga kasama ko lalo na ang stress ng presidente ng aming klase. Kanina pa niya sinasabunutan ang sarili habang napapapadyak pa. Sa loob kasi ng isang buwan, siya ang nanguna at namahala sa mga kaklase kong kasali dito sa play. Ako naman ay tumulong lang sa pagtatahi ng mga costumes at paggawa ng props.
"Jasmine!" tawag sa akin ni Zyra, ang class president namin. Napakalakas ng boses niya kaya napatingin tuloy sa kanya ang lahat ng taong narito.
Napangiwi na lamang ako dahil ayaw kong tinatawag sa buo kong pangalan. Jazz na nga lang kasi. Mas cool kaya pakinggan.
"Ano na bang nangyari kay Chianna? Hindi pwedeng hindi siya sumipot! Masasayang ang pinaghirapan natin!" frustrated na sambit niya.
"Wait lang! Baka parating na 'yon. Hindi rin sumasagot sa tawag ko, eh."
Marahas na napabuntong-hininga na lang si Zyra sa narinig. This time, kinakagat-kagat na niya ang kuko at naglakad-lakad, paroon at parito. Girl, ako na ang nahihilo sa'yo. Bakit ba hindi na lang siya pumirmi muna sa isang tabi?
Hinanap na lang ng mga mata ko si James at natagpuan ko ito na nakasandal sa dingding ng backstage. Gaya ng ibang narito, hindi na rin maipinta ang mukha niya. Hawak niya ang cellphone at mukhang kanina niya pa rin hindi ma-contact si Chianna. Pare-parehas lang kami.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomanceThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...