Naghihintay, kahit parang walang pag-asa
Handa na
Maghintay kahit pa may'ron kang iba
Bahala na
Kanina pa ako pakanta-kanta na sinasabayan ko ng malakas na paghampas ng drumsticks sa crash cymbals dito sa drum set na nasa aking harapan. Wapakels na ako kung maingayan sa akin ang mga kasama ko. Basta ilalabas ko sa pamamagitan ng pagtugtog ng drums ang lahat ng hinanakit ko ngayong araw, kahit hindi naman talaga ako marunong mag-drums.
"Iyang pinsan mo talaga Yago, ang sarap tadyakan sa lungs. Namumuro na talaga siya sa akin!"
"Kalma ka lang sa paghampas, huwag masyadong gigil. Baka masira mo 'yang drum set ni Ariz. Patay tayong lahat do'n," natatawang suway na lang niya sa akin pero matalim ko siyang inirapan.
Nakaupo sila ng girlfriend niya sa mahabang sofa dito sa loob ng studio at naglalambingan na naman sa harapan namin. Mga PDA masyado, walang respeto sa mga single at bitter na gaya ko. Nakakainis!
Nagngingitngit pa naman ang kalooban ko mula pa nung matapos ang klase namin. Niyaya ko kasi si James na gumala dahil half day nga lang kami ngayong araw pero tinanggihan ako ng ungas. Uuwi daw muna siya sa kanila upang magpalit ng damit dahil may date raw siya. Kakatagpuin niya lang naman 'yong bagong naka-match niya doon sa dating app. Bwisit!
Ang sarap tuloy ibalibag ng cellphone niya nang sa gayon ay wala na siyang magamit. O, kaya siya na lang dapat ang ibinalibag ko nang hindi na siya makaalis pa.
"Ang sabi ko naman sa'yo, itali mo na kasi si James sa bewang mo nang hindi nakakawala," hayag ni Chianna saka matunog na sumipsip sa pearl milk tea niya.
"Naku, ayaw ng lalaki ng possessive. Baka mainis lang 'yon kapag pinakialaman mo," mariing kontra naman ni Cairo na nakikinig pala sa amin.
Prenteng nakaupo naman ito sa harapan nung pabilog na mesa at nakapatong pa ang dalawang paa niya ro'n. Hawak niya ang cellphone at abala sa paglalaro. Iyong drummer lang nila ang wala ngayon dahil sinundo nung magandang girlfriend niya kaya heto ako at nakikigamit muna sa drum set niya.
After class, nakitambay na muna ako dito sa studio ng Cross Symphonia upang makapagpalamig ng ulo kahit paano. Para na rin may makausap ako dahil baka maloka lang ako kung kikimkimin ko itong inis na nararamdaman ko ngayon.
Wala pa naman si Kuya Aga sa Mariano dahil may pinuntahan ito at ayaw ko siyang tawagan upang abalahan na naman dahil sa problema ko sa lovelife. Itong mga kulugo na lang na ito ang guguluhin ko tutal wala naman silang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
Lãng mạnThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...