Rena:Nandito na kami sa dressing room.
"Nandiyan na raw si Chianna. Puntahan ko lang," anunsyo ko nang mabasa ang chat sa akin ni Rena.
Napasulyap naman sa akin si James na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng salamin. Nagmukha itong prinsipe dahil sa midnight blue tuxedo nito na ako mismo ang pumili nang maghanap kami ng susuotin niya noong nakaraan. Lalong gumwapo pa ang damuho dahil bagong gupit ito; simpleng barber's cut, gano'n.
"Sama ako."
"Inaayusan ka pa ata."
"Tapos na, 'di ba?" baling niya sa kaklase naming si Remi na abalang mamili ng kulay ng lipstick doon sa mga guhit sa likod ng palad niya.
"Wait, lagyan lang natin ng kaunting kulay ang labi mo," anito saka dinampian ng lipstick si James sa labi gamit ang daliri.
Girl, itabi mo. Ako na! sigaw ko sa isip at natawa na lang sa mga kagagahan ko na naman.
Napatingin tuloy sa akin 'yong dalawa at sabay na nagtanong. "Bakit?"
I just gave them a half-shrug.
"Naaaning ka na naman diyan," komento ni Remi. "Wala lang 'to, kalma ka lang diyan," makahulugang wika niya pa saka kumindat sa akin.
Remi was a tall girl with a perfect tan skin in a glamorous and strapless white jumpsuit that hugged her hourglass figure-naol 'di ba? Because of her sharp and angular jawline, her butterscotch hair was always pulled in a bun with a face-framing tendrils to make her feature a bit soft-looking.
She was one of the prettiest girl in the campus according sa mga pa-survey eme nila. Gaya ko, may crush din ito kay James, pero hindi naman siya 'yong obsessed or desperada type. Tahimik lang din, gano'n.
"Alright, I'm done. Puntahan niyo na si Chianna."
Mabilis pa sa alas-kwatro na lumabas ng dressing room si James kaya dali-dali ko itong sinundan. Nang malapit na kami sa kabilang dressing room na inookupahan ni Chianna, tumigil ito sa paghakbang at pumihit paharap sa akin.
"Pakitawag na lang pala si Chianna. Dito na lang ako sa labas."
"Don't tell me, nahihiya ka? Okay naman ang itsura mo ngayon. Pwede ka nang sumali sa That's My Boy."
"Pambata naman 'yon." He rubbed his nose using his thumb, squinting his eyes. "Pang-Mister Pogi ata ako."
"Para kang ewan. Diyan ka na nga."
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomanceThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...