"Magkaaway na naman kayo ni James? Napapadalas na ata 'yang LQ niyo, ha? Hindi na healthy sa relasyon 'yan."
"LQ ka diyan? Hindi naman kami lovers!" ismid ko kay Remi at nangalumbaba na lang habang nagdo-doodle ako sa cattleya notebook ko.
Doon ko nilalabas ang lahat ng inis ko na hindi ko pa nailalabas kagabi dahil sa inakto ni James kay Yago. Sa sobrang diin nga ng pagguhit ko ay nabubutas ko na 'yong pahina at tumatagos na 'yong tinta ng red ballpen ko sa kabilang page. Gigil much!
"Ewan ko ba sa mga 'yan, parang mga aso at pusa. Ni hindi ko nga alam kung ano na naman ba ang pinagtalunan ng dalawang 'yan kagabi. Naabutan ko na lang, nagsisigawan sila," sabat naman ni Chianna sa usapan at pahapyaw na nagkwento pa.
"Hindi na ako magtataka, kung magka-developan kayo. Ang lakas ng chemistry niyo, infairness," komento pa ni Tootsie. "Para nga kayong divorce couple na may feelings pa rin sa isa't isa, kaso in denial lang."
"Bagay nga kayo, Ate Jazz! Kilig ako," segunda ni Karla sa mahinhin na boses saka bumungisngis. Siya ang bunso sa klase namin dahil accelerated ito. Tatlong taon ang tanda namin sa kanya. Genius na bata, eh.
Katatapos lang ng subject namin na Flight Operations Management at may flight demonstration kami sa next meeting namin. Kaya naman pinag-usapan na agad namin kanina ang mga role ng bawat isa habang two hours vacant pa kami bago ang next subject.
Anim na member sa bawat grupo and thankfully, napahiwalay sa amin si James. Baka maging chaotic lang ang presentation namin kapag nagsama na naman kami dahil siguradong puro bangayan lang ang mamamagitan sa aming dalawa. Grades pati ang nakasalalay dito sa demo namin. Pagandahan kami ng pag-deliver sa presentation kaya kailangan namin ng matinding concentration to the nth power.
Ayoko ng distraction, hangga't maaari.
"Sorry na raw, o." Siniko ako ng katabi kong si Jeric at itinuro si James na nasa kabilang dako lang ng classroom kasama 'yong mga kaklase naming lalaki na kalaro niya sa COD.
Feeling ata nitong si James siya 'yong lalaki sa MV ni Taylor Swift dahil masyado siyang pa-cute. May pagsulat pa ito sa notebook niya ng malaking word na SORRY tapos naka-pout ang lips. Parang timang.
Inagaw ko ang pentel pen ng katabi ko at mabilis na nagsulat ako sa notebook ko at hinarap 'yon sa kanya upang ipakita ang sagot ko doon sa sorry niya.
Huwag ka sa akin mag-sorry! Alam mo kung kanino ka may kasalanan!
Nope, sa'yo lang ako magso-sorry, reply nito sa akin at inilipat ang kabilang pahina ng notebook niya. Please? Huwag ka nang magalit sa akin? Pards. :(
Pinaikutan ko na lamang siya ng mga mata dahil sa katigasan ng ulo niya. At bilang tugon sa kanya, nag-drawing ako sa likod ng aking notebook ng dalawang kamay na naka-middle finger. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase naming nakakita sa palitan namin ng message.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomanceThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...