Chapter 15 - I Treasure You

24 1 0
                                    

Hindi ko alam kung saan kami papunta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Halos lagpas isang oras na mula nang makalabas kami sa lungsod ng Mariano at patungong south ata itong kalsadang tinatahak namin. Hindi naman ako nagsisisi o nag-aalala na sumama ako kay Kuya Aga dahil first time kong mag-road trip at nae-enjoy ko naman ito—kung roadtrip nga ang maitatawag ko dito.

Ipinabukas ko pa nga ang bubong ng kotse niya para damang-dama ko ang hangin kahit pa malasap ko ang polusyon sa paligid. Wala namang traffic sa lugar na ito at malalayo ang agwat ng mangilan-ngilan na sasakyan sa kalsada kaya itinataas ko ang dalawang kamay sa ere at humihiyaw.

Feeling nasa roller coaster ka, girl?

"Hindi ka ba naiinitan niyan? Tanghaling tapat pa naman."

"Hindi naman, Kuya. Isa pa, hindi ako takot mangitim. Binilhan mo na rin naman ako nitong floppy hat saka nitong sunglasses, kaya may proteksyon na ako sa araw."

Ibinaba ko ang mga braso saka tumagilid ng upo upang nakaharap ako kay Kuya Aga. Tapos ibinaba ko nang kaunti 'yong suot kong itim na sunglasses, iyong malaya kong kamay naman ay nag-pogi pose.

"Bagay ba?"

Sinulyapan naman niya ako doon sa rearview mirror bago ibalik ang mga mata sa daan.

"Bagay na bagay. Para kang turista."

"I know right?!" I said with a carefree smile. "Ikaw ba, Kuya Aga. Takot ka bang mangitim? Ang puti-puti mo kasi. Para kang laba sa Tide."

"Loko ka talagang bata ka, kahit kailan. Kung ano-ano na naman 'yang mga pinagsasasabi mo. Happy pill na talaga kita."

Sumandal ako sa upuan at hinila pababa iyong laylayan ng dress ko nang bahagya itong umangat.

"Totoo naman! Ang puti-puti mo kaya tapos ang hilig mo pa magsuot ng mga bright colors. Gaya ngayon, naka-pink na polo shirt ka pa kaya lalo ka tuloy nagliliwanag, parang aparisyon."

Itinabi ko ang braso ko sa kaliwang kamay niyang nakahawak sa manibela upang maipagkumpara iyon.

"Tingnan mo, mas maputi ka pa sa akin. Naggu-gluta ka o koji-san?"

"Natural 'yan. May lahi kasi kami."

"Ay, weeeeeh? Anong lahi niyo?

"Half-tao, half-pogi," kindat niya nang saglit niya akong lingunin.

"Parang timang siya," bulong ko.

Nakatanggap tuloy ako ng mahinang pingot sa tainga. "Narinig ko 'yon."

"Eh, 'di wow!" pilyang belat ko.

He just let a deep sigh, defeated.

Mouhahahaha.

"Anyway, saan ba tayo pupunta?" mabilis na pag-iiba ko ng usapan. "Parang dadalhin mo na ata ako sa dulo ng mundo, eh. Wala na akong makita sa paligid kung 'di iyang mahabang building." Tumuro ako sa may kanan. "Ano ba 'yan?"

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon