Chapter 12 - Figure Out

20 1 0
                                    

Ilang beses nang naudlot ang pizza date namin nila James dahil nga may sari-sarili kaming lakad noong mga nagdaan na araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang beses nang naudlot ang pizza date namin nila James dahil nga may sari-sarili kaming lakad noong mga nagdaan na araw. Iyong unang beses na nai-turn down namin siya ay iyong dinala nga ako ni Chianna sa studio ng Cross Symphonia kung saan kami nag-usap ni Yago nang masinsinan, which is nasundan pa ng ilang pagkikita.

Marami kasing katanungan itong si Yago patungkol sa pinsan niya gaya ng mga pasimpleng pangangamusta nito sa mga ganap sa buhay ni James. Kahit pa not in good terms sila, ramdam kong concern pa rin itong si Yago para sa kanyang pinsan.

Minsan tuloy hindi ko maiwasang makonsensya dahil feeling ko tinatraydor ko na si James. Hindi niya kasi alam na nakikipagkaibigan na ako sa ultimate rival niya dahil naging abala rin ito. Naghahanda kasi ang damuho na 'yon sa sinalihan niyang climbing competition at puspusan itong nag-eensayo kahit pa sa January pa naman iyon.

Wala, eh. Masyado siyang competitive. Bakit ba kasi ang active niya sa gano'ng klase ng extreme activities? Mamaya masaktan pa siya, pag-aalalahanin niya pa ako.

Inimbitahan niya nga akong manuod nung competition, pero pinag-iisipan ko pa. Baka himatayin lang ako sa nerbyos habang pinanunuod siya na umaakyat sa napakataas na bouldering wall tapos may nagtatago palang Titan sa likod no'n. Mapasigaw pa ako ng Tatakae! Tatakae! Eh, 'di agaw eksena pa ako.

"Alin sa dalawang 'to ang bibilhin ko? Any opinion?" pukaw ni James sa atensyon naming dalawa ni Chianna.

Nakaupo kami sa wooden bench sa loob ng isang sports apparel shop at kapwa may kanya-kanyang ginagawa upang malibang. Si Chianna, as usual hawak niya ang cellphone niya at halos hindi na niya ito bitawan. Malamang ka-chat niya si Yago niya. Ako naman ay mahinang kumakanta-kanta lang, sinasabayan ang nakakaindak na tugtugin.

Why'd you have to go and make things so complicated?

I see the way you're acting like you're somebody else

Gets me frustrated

"Hey, girls!" nagkakamot sa ulong tawag ni James.

Saglit na ibinaba ni Chianna ang cellphone na hawak upang tingalain ang kaibigan namin.

"Sorry, James. Wala talaga akong alam sa mga climbing shoes kaya hindi ko alam ang differences nila. Pero bet ko 'yang sapatos na 'yan. I love the color, black and gray tapos yellow green ang sintas," ani Chianna sabay turo sa sapatos na hawak ni James sa kaliwang kamay.

Bet ko rin ang kulay nung sapatos, pero parang ang hassle naman kung de-sintas ang gagamitin ni James sa contest.

"Ikaw pards, anong sa tingin mo?"

"Indoor climbing ang gagawin niyo, 'di ba?"

Tumango si James kaya taimtim akong nag-isip habang ang mga mata ay palipat-lipat ang tingin doon sa dalawang sapatos.

"Mas okay siguro na piliin mo iyong saan ka komportable suotin. And since it's indoor, the rubber on your shoes won't wear out naman agad kasi plastic ang tatapakan niyo. So, you don't need to worry about durability, right?"

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon