Chapter 5 - The James' Effect

29 2 0
                                    


A/N: Hello guys! Gumawa ko mv for James and Jazz. Nandiyan sa taas yung vid, click niyo na lang to watch. Themesong pala nilang dalawa ay Sigurado by Belle Mariano. ❤

Sinimulan ni James ang pagbawi niya sa akin ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinimulan ni James ang pagbawi niya sa akin ngayong araw. Sabay kaming nagsimba tapos dumiretso na kami sa Mariano Mall after ng misa upang makapaggala kami. Dala niya 'yong kotse ng daddy niya kaya naman nakatipid ako sa pamasahe dahil sinundo niya ako sa bahay.

Libre niya ngayon itong paglalakwatsa namin kaya wala akong inaalala. Nag-agahan nga kami sa Starbucks kanina at wala akong nilabas kahit isang kusing. Nanuod rin kami ng movie ni James na siya ang gumastos mula sa ticket, popcorn at drinks. Nilubos-lubos ko na ang biyaya dahil ang totoo, kuripot ang damuhong ito kahit napakayaman ng pamilya niya. Manlilibre lang talaga 'yan kapag manunuyo at sa tuwing may atraso siya sa'yo.

Siyempre, ligayang-ligaya ang puso ko hindi lang dahil sa busog-lusog ako ngayong araw, kundi dahil magkasama ulit kami. Muntik na ngang I do ang masabi ko sa kanya kanina doon sa simbahan, imbes na Peace be with you. Buti napigilan ko ang bibig ko.

"Hindi ito date, Jazz. Alisin mo 'yang ngiti sa labi mo dahil mukha kang ewan," pagkausap ko sa sarili habang nakatitig sa malaking salamin.

Sunod na pupuntahan namin ni James 'yong bagong bukas na trampoline park sa second floor nitong mall. Nagpaalam muna akong magbabanyo dahil kanina pa ako nagpipigil ng ihi. Ilang beses din akong naghugas ng kamay dahil namamawis ito. Gamit ang tissue ay pinunasan ko ang batok kong naglalawa na rin sa pawis.

Syet! Sira ba ang aircon ngayon? Hindi ko ata masyadong maramdaman ang lamig dito sa loob. Doon nga lang sa sinehan malamig, eh. Paglabas mo, slight na lang.

Nagwisik na lang ako ng pabango sa leeg ko at pinag-aralan muli ang itsura ko. Sinisiguro ko lang na mukha pa rin akong tao kahit pulbo lang ang idinampi ko sa aking mukha tapos lipgloss sa labi.

Isang simpleng lilac graphic shirt naman ang napili kong suotin sa ilalim ng denim dungaree shorts ko. Pinaresan ko ito ng puting rubbershoes with led lights tapos 'yong medyas ko, rainbow ice cream cone ang design.

Bago lumabas, dumukot ako ng itim na panali sa bulsa ng moonbag ko na nasa aking bewang at mahigpit na ipinusod ko ang buhok. Ayan, ready na akong tumalon-talon.

"Huy, tara na!" tawag ko kay James.

Nakasandal ito sa pader malapit lang sa c.r ng mga babae habang naghihintay. Agad niyang ibinulsa ang hawak na cellphone, lumapit sa akin at matamis na ngumiti. Daig ko pa ang inatake na naman ng thunder volt ni Pikachu nang masilayan ko ang pamatay na ngiti ni James Cuevas.

Ano bang meron ngayon sa lalaking ito at mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko? Kung tutuusin, ang simple lang naman ng pormahan niya ngayong araw—slim jeans, v-striped shirt at itim na sneakers. Alin ba sa mga suot niya ang nakadagdag sa angking kagwapuhan niya?

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon