"Anong nangyari diyan? Bakit ang saya-saya niya ata?" James asked in a low voice while staring at Chianna who was busy with her phone.
Malamang sa malamang, si Yago ang ka-text nito kaya abot langit kung makangiti ang gaga. Kulang na nga lang ay maglupasay na siya sa sahig, gumulong-gulong at tumili. Naging close na kasi sila ng lalaking 'yon, matapos ang nangyaring gulo sa gig ng Cross Symphonia noong nakaraang Sabado. Winner na winner ang loka dahil nahalikan siya nung crush niyang guitarist.
Noong una ay ayaw kong maniwala dahil baka nangangarap lang ng gising itong best friend ko, pero nakumpirma ko mula kay Charmelle na nagsasabi nga ito ng totoo. Balita ko nga ay nakatanggap din ng sapak si Yago kay Rena dahil sa ginawa niyang paghalik kay Chianna. First kiss pa naman 'yon ng kaibigan ko.
Sayang lang at hindi ko nasaksihan ang tagpong 'yon. Kung alam ko lang na may aksyon na mangyayari doon sa Viz La Jam, sumama na pala dapat ako sa kanila. Baka nga nakipagbardagulan din ako doon dahil marami raw nanggulo sa performance ng banda nila Yago nang gabing 'yon.
Sa akin lang ikinuwento ni Chianna ang mga kaguluhan doon sa pinuntahan nilang gig dahil paniguradong maghuhuramentado lang itong si James. Isa pa, ayaw ko rin namang masaktan ang mokong na ito lalo't mukhang may progress na ang pagsinta ng kaibigan ko doon sa crush niya. Mas mabuting itikom ko na lang ang bibig para iwas sa conflict.
"Hoy, Jazz. Ano bang nangyayari diyan sa kaibigan mo? Bakit ang saya niya?" ulit na tanong ni James kaya bahagya ko itong nilingon.
"Wala akong alam. Huwag kang magulo ko diyan," tugon ko saka kumagat sa apple pie na kinakain ko.
"Weh? Ikaw pa mawalan ng alam?Narinig kong may pinagkukwentuhan kayo noong nakaraang araw. Anong meron doon sa gig?"
"Hindi ko nga alam, James! Ang kulit. Kumain ka na nga lang!"
Iniumang ko sa bunganga niya ang apple pie ko upang subuan siya nang manahimik na, pero inilayo niya lang ito mula sa kanya. Sa huli, ako na lang ulit ang kumagat doon. Umiwas din ako ng tingin nang mataman niya akong pagkatitigan.
Ayan na naman siya, ginagamit ang weakness ko. Hindi na naman tuloy ako makahinga nang maayos. Ano bang magiging laban ko sa mga mata niyang nakakatunaw tumitig?
"Please, Jazz?" pagsusumamo niya, gamit pa rin ang napakahinang boses.
May paghaplos pa sa braso ko ang mokong kaya may dumaloy na namang kuryente sa mga ugat-ugat ko. Paksyet! Mabuti na lang at nakaupo ako, kundi baka bumagsak na ako sa sahig dahil nanlalambot ang tuhod ko bigla.
"Huwag mo nga akong hinahawak-hawakan. Umusog ka doon. Ang luwag-luwag ng bench, siksik ka nang siksik sa akin."
Pinagtulak-tulakan ko si James para magkaroon kami ng distansya pero matigas ang bungo ng isang 'to at ayaw akong tantanan. He was displaying a wide grin, eyes squinting with a twinkle of mischief.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomanceThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...