Chapter 14 - Complicated

21 1 0
                                    

"Ladies and gentlemen, please, direct your attention to the cabin crew, who will demonstrate the safety features of this aircraft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ladies and gentlemen, please, direct your attention to the cabin crew, who will demonstrate the safety features of this aircraft. Each seat is provided with a seat-belt. To fasten, put ends together. Tighten seat-belt by pulling loose end and, to unfasten, lift the whole buckle and pull free end to release—and, and...ano nga kasunod?"

"In the unlikely event of a water landing..."

"Ayun! In the unlikely event of a water landing, use your individual life vest found under your seat. Remove...r-remove the objects from your body. Put it on the," I sighed and tilted my head, eyebrows wrinkling in so much frustration.

"Put it on, slide the vest over your head. Take the tapes around the waist and push ends to buckle!" Remi guided, putting down her notes on her arm chair. "Anong nangyayari sa'yo, Jazz? Ngayon na ang flight demonstration natin, bakit hindi mo pa rin saulo 'yan? Last week pa sa atin 'to binigay, ah."

"Sorry na, mamshie! Masasaulo ko rin 'yan, trust me! Second subject pa naman natin 'yan."

Napasandal na lang siya sa upuan at napahalukipkip. "May problema ka ba? Magaling ka naman pagdating sa memorization, eh. Bakit ngayon parang kalat-kalat 'yang utak mo?"

"Puyat lang kagabi. Panay movie marathon ko kasi," palusot ko.

Matamang pinagkatitigan ako ni Remi, tila sinisipat ang mukha ko na parang makakakuha siya ng sagot doon kung bakit ako natutuliro ngayon. Ayaw ko namang mahalata niya na may pinoproblema ako kaya dinampot ko ang notes niya at itinakip 'yon sa mukha ko.

"Mag-memorize na ako ulit. Huwag kang magulo."

"Galingan mo, naku! Sabunutan talaga kita kapag nagkalat ka mamaya."

"Oo na, leader!" belat ko at pinasadahan ng tingin ang notes na hawak.

Concentrate, Jazz. Ano ka ba? Grades ang nakataya diyan.

"Chianna, good morning! Okay ka na?" sigaw ni Remi kaya nawala na naman ako sa focus.

"Chianna!" Ibinaba ko ang hawak ko at agad na sinalubong ang best friend ko upang kunin ang bag niya kapagkuwa'y maingat na hinila siya patungo sa aming upuan. "Bakit pumasok ka na? Balita ko may sakit ka raw?"

Sinalat ko ang noo niya. Kahit paano nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman siya mainit. Ang chat kasi sa akin ni Charmelle, naospital ito kahapon. Overfatigue raw.

"Okay na ako. Nakapagpahinga naman na ako kahapon. Hindi rin ako pwedeng umabsent ngayon lalo't Monday pa. Mamaya may pa-quiz ang terror nating prof, yari ako."

"Pero kung sumama ulit ang pakiramdam mo, magsabi ka agad sa akin para maipalam kita sa mga prof natin."

Tumango naman ito saka inilapag na ang bag sa upuan. Bigla naman akong sinipa ni Remi sa paa at inginuso ang pintuan. Parang matik na ang pagkawala ng ngiti sa labi ko at tila nakalimutan kong broken hearted nga pala ako dahil sa lalaking ito. Kinawayan ko pa nga ang animal.

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon