Chapter 19 - Coping Mechanism

38 1 0
                                    

Mga isang linggo na rin mula nang naging boyfriend ni Chianna si Yago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mga isang linggo na rin mula nang naging boyfriend ni Chianna si Yago. Marahil ay isa 'yon sa mga rason kung bakit tatlong araw nang hindi pumapasok si James ngayong linggong ito bukod sa may sakit ito. Kaya naman heto ako, nagsipag ako ng bongga sa pagsusulat ng mga lecture namin para may maipahiram sa kanya. Bilin din kasi ng professor namin na tulungan ko ang damuhong 'yon para daw wala itong ma-miss na lessons.

After class, dumidiretso na ako sa bahay nila James at pinapakopya ko siya. Bahala na siyang umintindi sa lessons dahil mas magaling naman siya kaya sa akin pagdating sa academics. Aba! Tagasulat na nga ako, gagawin pa akong instant tutor niya? Abuso naman na ata. Charot!

Wala lang talaga akong naiintindihan sa mga lecture namin ngayon. Gaya ni James, apektado rin ang abang puso ko lalo't nakikita kong hindi pa talaga siya tuluyang nakaka-move on kay Chianna. Sinasabi niya lang na tanggap na niya ang relasyon nung dalawa, but deep inside, may kirot pa rin iyon.

Siguro kung hindi si Yago 'yong naging boyfriend ni Chianna, baka hindi nasasaktan ng ganito si James?

Ano kaya ang history ng magpinsan na 'yon? Bakit gano'n na lang kalayo ang agwat nilang dalawa? Eh, knowing James, malapit ito sa lahat ng kamag-anak niya.

Ang totoo nga niyan, siya ang paboritong apo, pamangkin, at pinsan ng mga kamag-anak niya. Kulang na nga lang, ipa-raffle na siya para maiuwi nila si James sa kanilang mga bahay. Gano'n nila kamahal ang mokong na 'yon. Pinag-aagawan sa family reunion.

Well, I can relate to his relatives. James Cuevas was my favorite person in this world, too. Kung maging reward lang talaga siya sa raffle draw, willing akong bumili ng sandamakmak na raffle tickets masiguro lang na mapanalunan ko siya.

Gustuhin ko mang magtanong kay Yago kung anong nangyari sa pagitan nilang magpinsan ay todo pigil ako sa dugong usisera ko. Mukhang ang sensitive kasi ng topic na 'yon. Kahit si James nga, ayaw na pinag-uusapan 'yon. Ayaw din niyang nababanggit sa harapan niya ang pangalan ni Yago kasi nagsu-super saiyan ang ungas.

Hay, James Cuevas! Ang dami ko pa talagang hindi alam tungkol sa'yo, buntong-hininga ko habang naglalakad.

"Ang lalim ng buntong-hininga na 'yan, ah. Worried ka pa rin kay James?" tanong ni Chianna sa tabi ko, nakakawit sa braso ko ang mga kamay niya.

Nakarating na kaming dalawa sa main gate kaya tumawid kami sa katapat na convenience store nito. Sinamahan ko muna siya na maupo doon sa loob habang naghihintay ng sundo niya. Hatid-sundo kasi ito ng boyfriend niya kapag hindi ito busy.

"Pupunta ka ulit kina James ngayon, no?"

"Oo. Ihahatid ko 'tong mga notes."

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon