Chapter 2 - Limitations

41 4 0
                                    

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umiiling-iling bilang pagtanggi sa request ni Chianna habang nakaluhod ito sa harapan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umiiling-iling bilang pagtanggi sa request ni Chianna habang nakaluhod ito sa harapan ko. Kanina pa niya ako kinukulit at mukhang wala talaga siyang balak na tumigil hangga't hindi ako napapapayag.

May gig daw kasi 'yung Cross Symphonia sa katapusan nitong August at manunuod daw sila bilang suporta. Medyo lowkey fan din nila ako, to be honest. Sila 'yung papasikat na banda na nanalo sa talent show na siyang kinahuhumalingan din ni Chianna ngayon dahil sa gitarista nito. Mukhang tinamaan talaga itong kaibigan ko, dahil ito ang unang beses na nagpakita siya ng interes sa isang lalaki.

Gusto niya akong isama para manuod sa gig ng bandang 'yon, kaso wala talaga akong hilig magpunta sa bar. Isa pa, sobrang strict din ng parents ko. Ayaw nilang nagpupunta ako sa gano'ng klaseng lugar dahil delikado raw. Ayaw din nilang umiinom ako ng alcoholic drinks kahit pa hindi na ako menor de edad. Umiinom naman ako kapag may okasyon, pero pasikreto lang.

Twenty one na rin naman ako, I must enjoy life, but bar hopping is not really my thing.

"May kasama ka na, 'di ba? Bakit kinukulit mo pa ako?" takang tanong ko kay Chianna.

Ngumuso naman ito ng pagkahaba-haba. "Si Charmelle lang."

"O, ayun naman pala, eh!"

"Si Rena, hindi sasama kaya ikaw na lang, please? Ang pangit kaya nu'n, dalawa lang kami."

"At talaga namang gagawin niyo pa akong replacement, no?" biro ko.

"Of course not!" Pinag-ekis niya ang braso sa tapat ng dibdib. "Gusto ko lang ma-experience mo ang mag-bar. Sige na kasi. Masaya kaya 'yon. Malay mo, nando'n pala si Mr. Right mo," may pang-aasar na dugtong niya.

"No, thanks. Wala akong balak ma-experience 'yan at wala akong balak maghanap ng Mr. Right. Hindi rin ako papayagan nila mommy, alam mo 'yan. Try mo na lang ayain si James pagdating niya, malay mo sumama siya."

Bumaling ako sa bakanteng upuan ni James sa tabi ni Chianna. Seatmates kasi kaming tatlo.

Himala ata. Bakit wala pa ang isang 'yon? Magsisimula na ang klase in five minutes. Eh, early bird 'yon.

"Ayoko ngang ayain 'yon. Alam mo naman si James, overprotective kapag may umaaligid sa akin na lalaki. Baka mamaya, hindi pa ako maka-damoves sa Yago ko dahil haharangan niya ako. Akala mo naman, tatay ko siya."

Malakas na tinampal ko ang noo ni Chianna. Baka sakaling maalog ang utak niya at mahimasmasan. "Yago mo, talaga? Pag-aari mo 'te?"

"Jazz naman!" angil niya habang himas-himas ang noo. "Yago ko na talaga 'yon, kasi sisiguraduhin kong mabibihag ko ang puso niya after that night. Mark my word!"

Nasapo ko na lang ang batok ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Ibang klase talaga ang confidence level ng babaeng ito. Umaabot hanggang milky way.

Blurring The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon