"May bisita ka pala," anas ni Kuya Aga nang madatnan niya si James na nasa sala ng bahay namin. May hawak itong car magazine at isa-isang binubuklat nito ang mga pahina no'n habang umiinom pa ng fresh milk.Feel at home na feel at home ang ungas na ito.
Bagay na nga sa kanya ang mushroom na nickname dahil ang hilig niyang sumulpot kapag hindi mo inaasahan. Kaninang alas-nuebe pa nga ito dumating sa bahay, ang agang mambulabog. Kaya pala tanong nang tanong kagabi kung anong oras ang lakad namin ni Kuya Aga, may balak pala siyang mang-abala.
Pinagtatabuyan ko na nga siya, kaso ang tibay talaga ng bungo niya.
"Aalis ba kayo?" tanong ni James nang mag-angat ng tingin kay Kuya Aga na nakatayo lang sa aming harapan.
Itong James na 'to, mapagpanggap. Alam naman niya na may lakad kami, magtatanong pa.
"Oo, aalis na kami. Diyan ka na! Kung wala ka namang balak umuwi, mag-bonding na lang kayo ni Tita Hillary dahil siya lang ang tao rito," sambit ko saka dinampot na ang purple sling bag ko na katerno ng purple romper na suot ko.
Naka-puting rubber shoes lang ako at iyong buhok ko ay naka-double dutch braids. Si Tita Hillary siyempre ang nag-ayos nitong buhok ko. Pero hindi gaya ng dati, hindi na niya pinapakialaman ang suot ko.
"Tara, Kuya Aga!" yakag ko at hinila na ang kamay niya.
"Sasama ako." Tumayo si James at inabot ang malaya kong kamay.
Mabilis akong napabitaw sa kanya dahil nakuryente na naman ako.
"Pwede naman akong sumabit sa inyo, 'di ba?" tanong pa nito. He was showing me his puppy dog face.
Napaikot na lang ang mga mata ko sa ere. James Cuevas, ano bang nakain mong damuho ka?
"O, bakit? Bawal ba?" Bumaling ito kay Kuya Aga nang walang makuhang sagot mula sa akin. "Ayos lang naman siguro kung isasama niyo ako. Unless, gusto mo talagang masolo 'yang parekoy ko."
Heto na naman po tayo! Wala nga kasing something sa amin ni Kuya Aga! Ilang beses ko bang dapat ulitin 'yon sa kanya para tumatak 'yon sa kokote niya? Kakastress!
"Sure. Ayos lang naman. Mas masarap ngang mag-samgyup kapag maraming kasama," ani Kuya Aga.
Napangangang nilingon ko na lamang ito, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Binigyan naman niya ako ng isang marahang pagtango ng ulo at ngumiti.
"Fine! Basta huwag kang maligalig!" bilin ko kay James.
"Behave naman talaga ako."
Behave raw, eh sa kislap ng mga mata niya ngayon, parang may naiisip siyang kalokohan. Subukan niya lang talaga na gumawa ng kapilyuhan kay Kuya Aga, masasapok ko talaga siya.
"Oh, what's this? Nangangamoy love triangle ata dito sa sala," komento ni Tita Hillary kaya napalingon kaming tatlo sa pintong pinasukan nito.
Galing ito sa garden, nagdilig ata ng mga halaman.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomansaThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...