"Paano ba mag-confess ng feelings sa taong gusto mo?"
Sabay na nag-angat ng tingin sa akin sina Remi at Chianna nang marinig nila ang tanong ko. Napakurap-kurap pa nga ang mga mata nila ng dalawang beses habang nakaawang pa ang mga labi na para bang pang-out of this world ang mga salitang dumulas sa dila ko dahil ang tagal ata nilang nai-process 'yon.
Mapasukan sana ng langaw ang mga bibig nila kakanganga. But since walang langaw dito sa coffee shop, mangalay na lang sana ang mga panga nila.
"Tunay na ba 'yan o joke na naman? Ikaw, magco-confess?" Remi scoffed as she leaned back on her chair and gave me a sloppy wave of her manicured hand. "I doubt it."
"Seryoso na 'to," giit ko bago kumagat sa cranberry tart ko at uminom ng kaunting gingerbread spice mocha latte.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at naiisipan mo nang magtapat ng pag-ibig? Threatened ka, beh?" pang-iinis pa ni Remi.
Pabirong inirapan ko na lamang siya at inilibot sandali ang mga mata upang pasadahan ang kabuuan ng Coffee Brew na ngayon ay hindi na mahulugan ng karayom sa dami ng tao.
Kahit pa nagdagdag sila ng mga upuan at mesa sa loob, maging doon sa labas ay hindi pa rin ito sapat para ma-accomodate ang mga customers. Dinadayo kasi ang coffee shop na ito ngayon dahil sa Christmas-themed pastries and drinks nila.
Ang astig talaga dito sa Coffee Brew ni Tita Alice, damang-dama mo na ang ispirito ng kapaskuhan kapag napatambay ka rito at hindi mo na gugustuhing umalis pa. Nangangamoy fresh pine na nga sa paligid dahil siguro doon sa malaking Christmas tree nila na nakatayo malapit lang sa counter at napalilibutan ng mga makukulay na Christmas lights.
Nakakaaliw pang panuorin 'yong pagpapalit-palit ng kulay nung lights sa Christmas tree dahil naka-synchronize ito sa musikang tumutugtog mula sa speakers na animo'y sumasayaw ito. Literal na kumukuti-kutitap nga.
"Sabi ko naman sa'yo noon pa, magtapat ka na. O, ano ka ngayon? Nganga? Kung hindi pa pala makipag-date si James sa kung sino-sinong babae, hindi mo pa maiisip ang bagay na 'yan," sermon ni Chianna dahilan para mawala ako sa mood.
"Girl, huwag mo na ngang ipaalala! Baka masuntok ko lang si Jeric. Demonyong Vice President 'yon. Next sem talaga, hindi ko na siya ino-nominate na VP ng klase."
"Girl, OJT na tayo next sem," Remi reminded, letting out a loud chortle.
Napanguso ako ng pagkahaba-haba at nagmamaktol na pinagmasdan ko na lang ang mga snowflakes stickers na nakadikit sa glass wall nitong coffee shop. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang pagka-badtrip ko do'n kay Jeric.
Paano ba naman? Inudyukan lang nito si James na gumamit ng dating app kaya iyong damuho ay nag-try tuloy na maghanap ng ka-match sa pesteng app na 'yon dahil ayaw niya raw maging member ng SMP—Samahan ng Malamig ang Pasko.
BINABASA MO ANG
Blurring The Lines
RomanceThey say ninety-eight percent of people have experienced unrequited love, and Jasmine Ferreira is one of them. She's accepted her unreturned feelings for James Cuevas and vowed to stay within the bounds of their friendship. Everything will be fine a...