Chapter 6

57 12 2
                                    

Nang malagay ko na ang eye liner ko ay nag lipstick ako ng light lang, ayaw kasi ni Boyfie na mag dark lipstick ako. Hindi daw bagay sakin huhu. Hard. Lumayo ako sa salamin at tinignan ng buo ang sarili. Nag suot ako ng ripped jeans, v-neck white shirt, leather jacket at boots. Hindi na ako mukang seventeen sa itsura ko, kaya tama na.

May tutugtugang event ngayon ang banda ni Aero at! Inimbitahan niya ako yiee!. Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang excitement. "Alas sais na" naalarma ako ng makita ko ang oras kaya naman kinuha ko ang sling bag ko na black. Black lahat para Rock is alive!. Rock and roll!.

"Ingat anak" pahabol saakin ni Mama

"Ok ma, babay" sagot ko naman

Pinayagan nila akong pumunta, hindi ko naman kasi sinabing vocalista doon yung boyfriend ko at may boyfriend na ako. Alam kasi nila na mahilig akong manuod ng mga ganitong event, yung mga banda banda kasama ang mga pinsan ko pero ngayon mag isa lang ako. Hindi ko sila inaya, hmp panira ng pang haharut.

Nang makarating ako sa stadium ay sinalubong ako ng napakalakas na patugtog, sumasabay tuloy sa beat yung puso ko.

Speaking of puso, nasan na ba yung lalaking nag mamay ari ng puso ko!?. Mukang hindi pa naman nag uumpisa, may oras pa ako para makisiksik.

Paraan! Dadaan ang Misis ni Aero Buenavista na si Grabiela San Jose!!!.

Nang makita ko sa stage na hinahanda na nila ang mga instrument ay mas binilisan kong makisiksik at mukang kakampi ko ang gravity ngayon kasi napunta naman ako sa harap, at gitna pa!.

"Argh! O my ghad! Mamamatay na ata ako!" sabi nung babaeng katabi ko na mamamatay na ata sa kilig e wala pa ngang lumalabas.

Weyt!!!!!'

Ibinaling ko ulit ang tingin sa babae at mukang kasama niya yung katabi niya.

"Si Aero lang talaga pinunta ko dito mars!" kilig na kilig niyang sabi sa babaeng kasama niya.

"Uy" kinalabit ko siya at tumingin naman siya sakin pati na rin yung kasama niya "Crush mo si Aero?" nakangiting tanong ko

"Super ateng!" kilikilig niyang sabi "Fan ka rin?"

"Hindi ah" mabilis kong sagot "Alam mo, bad news ako sayo"

"Ano?"

"May gf na yang si Aero, ang ganda, ang.cute" masayang pag babalita ko

"Ayos lang ateng! Ang mag asawa nga nag hihiwalay mag jowa pa kaya! Go go go!" sabi nung babaeng kasama niya

Bahagya akong napanganga at napatakip ng bibig. "Grabe ka" mahinang sabi ko

"Tama nga naman, may chance pa us haha!" sabi naman nung bababeng kinausap ko kanina.

Napasinghal nalang ako at pairap na inalis sakanila ang tingin. Mag focus nalang ako kay Aero baka makasabunot ako ng fans niya dito.

Mas lalong umingay ng lumabas na ang mga kabanda niya, pero nasan siya?.

"Ayan na siya!" napatakip ako ng tenga ng sumigaw yung babae.

Pag katingin ko sa stage ay nakita ko na si Aero at dala niya yung gitarang bigay ko sakanya kaya naman yung kilig ko ramdam ng atmosphere!. Naka light brown polo siya! Ow sh*t ang linis linis niya tignan! Ang bango bango!. Laplap 'to sakin mamaya!.

Pumunta siya sa harap at inaayos yung wire na nakasaksak sa gitara niya. Matapos yun ay pumunta siya sa tapat ng mic stand at pag kahawak niya doon sa mic ay mas umingay kaya naman napapalakpak ako sa sobrang excitement. Tumaas ang dalawang kilay niya habang tipid na nakangiti, baka nagulat rin sa sigaw.

Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon