Chapter 14

49 12 5
                                    

"I'm sorry, no" napabuga ako sa hangin matapos kong isagot iyon kay Clarence.

"Ok" tumango siya at ngumiti pero hindi ako kumbinsido sa ngiti niya "I'll wait--"

"Please don't" pag puputol ko sa sasabihin niya. Naibaling ko ang tingin sa bouquet na bigay niya sakin. Ngayon niya hininga ang kamay ko pero hindi ako pumayag.

"Siya parin?"

"Clarence, mabuti kang tao, deserve mo yung babaeng mamahalin ka ng buo. Hindi gaya ko na may mahal na iba" diretsang sagot ko at nakitang bumagsak ang dalawang balikat niya.

"Thank you for being honest"

"I'm sorry Clarence, sana maintindihan mo ako" dugtong ko at tumango siya.

"Oo naman, naiintindihan ko. Mas mabuti na ring inamin mo, kesa sa sinagot mo nga ako pero iba naman pala ang mahal mo"

Isang buwan?.


Tama, isang buwan na rin siguro matapos mangyari yung huling usapan namin ni Aero. Masasabi kong, medyo umayos na rin ang pakiramdam ko. Yung galit unti unting nawawala, yung natira nalang yung paniniwala kong mahal ko parin siya. Hindi ko ugaling mag sinungaling sa sarili ko pwera nalang nung araw na umiyak ako sa ulanan at nag kunwareng yung payong na naiwan ko yung iniyakan ko.

Dumadating din yung time na kapag naaalala ko siya nangingilid ang luha ko sabay tawa. Halos kasi lahat ng nakikita kong bagay naaalala ko siya. Mag tataka pa ba ako? Halong tatlong taon ng buhay ko nakatutok ako sa kanya, sa tatlong taon na iyon walang araw na hindi siya nawala sa isip ko. Tapos sa isang iglap nawala lahat dahil sa isang bulldog.


"Anak gabi na ah" sabi ni Mama habang nasa kusina.

"May bibilhin lang, saglit lang tricycle na ako" sagot ko naman habang nag lalakad palabas.

Trip ko mag movie marathon kaya kailangan kong bumili ng ngunguyain ko. Grabe, naalala ko tuloy yung araw na galit ako kay Aero tapos bumili ako sa convenience store, binuksan niya yung kuhanan ng hotdog kasi hirap na hirap akong buksan ito.

Kinapkap ko ang bulsa ko para siguraduhing nasa bulsa ko nga ang wallet ko. Ayoko ng maulit yung dati na hindi ko nadala yung wallet ko, si Aero tuloy nag bayad.

Hay! Puro Aero! Aero! Aero!.

Gabby tama na!!!!'

"Badtrip" mahinang sabi ko sa sarili.

Bago pa ako makapasok sa loob ay may nakita na akong tao na nakapag paatras sakin.

"P*tangina" malutong kong mura at nung tumayo siya ay inalis ko ang tingin sakanya saka pumasok. Kunware nalang hindi ko siya nakita.

Nang makapasok ako ay ramdam ko agad yung bigat ng atmosphere nakakaloka. Binilisan ko nalang ang pag kuha ng tsitsirya, hindi na ako bibili ng hotdog kasi matatagalan lang ako doon.

Matapos makabili, oo bili lang yun walang pili pili kasi nag mamadali na ako, nag punta na ako sa counter.

"May voucher--"

"Wala" mabilis kong sagot kahit pa hindi tapos ang sinasabi ni Ateng cashier. Bakit pa kasi kailangang tanungin?. Dude kung may voucher card ako ilalapag ko yun kasama ng binili ko. Pero since trabaho nilang tanungin yun, ok fine ako yung mali. E kasi naman e.

Nag madali akong nag lakad kahit pa nakita ko siyang nakaabang sa labas.


"Gabby, pwede ba tayong mag usap?"

Hindi ako tumatahol, bakit ako kakausap sa isang bulldog!?'

"Gabby please.."

Nahinto ako at napairap sa kawalan ng hawakan niya ang braso ko. Napabuga ako sa hangin at hinarap siya. Hindi ako nag salita, tinignan ko pang siya. Alangan na ako ang mauunang mag salita e siya ang may kailangan.

Nung makita ko ang mukha niya ay sumagi na naman sa isip ko yung nakita ko sa apartment. Hay!. Para akong sinasaksak.

"Let him go"

"Tch" napasinghal ako at bahagyang natawa "Seryoso?"

"Buntis ako, si Aero ang ama"

Dahan dahang nawala ang ngiti ko at pinalitan ko rin ito ng ngisi "And? So what?"

"Gusto ko lang linawin kung anong meron saamin ngayon ni Aero. Nabuntis niya ako, mag kakapamilya na kami--"

"Wait, I think wrong grammar ka. Don't say Nabuntis ka niya. Kagagawan mo yan kasi ni-rape mo siya" Sandali siyang natahimik kaya naman napangisi ako "Tell me, anong drugs ang nilagay mo sa inumin niya para mahalay mo siya? So disgusting. Sa nangyari kaya kong mapatawad si Aero, pero ikaw?" umiling ako "I don't think so"

Hinawakan niya ang tiyan niya na wala pa namang bukol, ang oa "Kahit ano pang sabihin mo, sakin na si Aero dahil mag kakaanak na kami. Actually naka usap na siya ng Papa ko. Pinapili siya, demanda o kasal" ngumiti siya "Alam mo na kung anong pinili niya"

"Ok got it" tamad kong sagot "Goodluck sainyo, sana mag mana kay Aero ang bata para maging mabuting tao. Sana rin... matutunan kang mahalin ni Aero, sa nakikita ko kasi.. Tsk tsk" umiling ako "Parang malabo, but think positive. Bye b*tch" paalam ko sakanya saka ko siya tinalikuran at mabilis na nag lakad paalis.

--

Kanina pa ako pa inhale exhale kasi ang bigat ng dibdib ko. Wait. Hinga lang. Bawal umiyak. Hindi ako iiyak

Kinuha ko ang cellphone ko at plinay yung music na nakaplay na kanina.

"So promise you'll never change, and I'll always be the same.."

"Haha!" bahagya akong natawa ng marinig ko yung kantang Seventeen by pink sweat. Ayos tamang tama grabe.

Oo na, panakikinggan ko pa rin ang kantang iyan, para saakin iyan ang theme song namin ni Aero.

Mukhang kailangan ko na ring i-delete later, gusto kong ngayon na yung huli na marinig ko iyan. Nagiging sariwa yung sakit e.

Paano ba yan... Mag kakaanak na lalaking mahal ko, sa ibang babae nga lang. Okay na rin sigurong mag kapamilya siya, tanda na rin nun e. Eksakto yung pag dating nung bata kasi mag kakaroon siya ng amang CPA. Wow. Bulldog nga lang yung nanay.

Ano ba yan, naiiyak na naman ako hehe.

Sure ko, magiging cute ang anak niya kasi ang cute ni Aero e. Ang classic ng mukha niya, kahit anong panahon uso ang ganung mukha. Oo na, pwede na, may itsura rin naman si Yesha, pwede na.

"Hay grabe" bumuntong hininga ako at napangiti sabay punas ng luha.

Tears of joy ba ito? T*ngina kahit anong pilit kong mag sinungaling sa sarili ko, nangingibabaw pa rin yung sakit na nararamdaman ko.

Gasgas na yata yung puso ko e.

Gusto kong maging masaya para kay Aero kasi magkakaanak na siya, sabi ng iba masarap daw sa pakiramdam kapag yung parents ay marinig ang unang iyak ng baby nila. Ang ganda pa naman ng ngiti ni Aero, pati mata nangiti hehe.

Sa oras na matutunan niya ng mahalin ulit si Yesha sana mapuno ng kasiyahan ang puso niya.

Sana ganun rin ako.


THANK YOU
GOD BLESS

Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon