Dahil mag gig ulit si Aero ay dali dali akong umalis ng university ng uwian na. Pagod na pagod ako kasi ng P.E kami, binilisan ko ang pag kilos hindi para makita ang nakikita ko ngayon.
Si Yesha at Aero, mag kasama sa iisnag table habang nag iinuman sila at nag tatawanan. Anong nakakatawa? Ano kayang pinag uusapan nila?. Napahawak ako sa strap ng arnis bag ko kasi parang gusto kong mang arnis ng mukha e. Mukhang mas iikli pa ang buhay niya kesa sa skirt na suot niya. Sexy yan? Sexy na yan? Ew.
Buti pa ako, conservative, naka jogging pants kasi suot ko parin P.E uniform ko..
Napatingin ako sa sarili ko at kinumpara ko sa suot ni Yesha. Muka akong kinder. Ibinulsa ko ang kamay ko at napayukom ng kamao.
Tawang tawa siya oh! Bilaukan ka sana!. Yung highlight niya sa muka ang tindi! Muka siyang isda na may kaliskis! Argh! Maganda na ba yan para kay Aero! Pangit ng taste bwiset!.
Hanggang sa namalayan ko nalang na nakatingin na saakin si Aero dahil nag tama ang paningin namin. Kinawayan niya ako habang nakangiti.
At may gana ka pang ngumiti? mga taksil!'
Nag tama ang paningin namin ni Yesha at ngumiti siya saka kumaway pero inirapan ko siya. Nag lakad ako papunta sa cr dahil gusto kong mag hilamos. Makapag walk out na nga, nakakabwiset. Panira ng mood ang isda na yun.
Nang makapasok ako sa cr ay nag hilamos na ako ng mukha siyempre!. Para sakin mas maganda pa rin sa babae ang natural lang, iyon ang mga tipo na bagay kay Aero. Bwiset na yun.
Habang nag pupunas ng mukha ay nakita ko si Yesha na pumasok. Nginitian ako nito pero hindi ko siya nginitian, wala ako sa mood makipag plastikan.
"Beh--"
"Hindi mo ako Beh, we're not close" pambabara ko sakanya habang nag pupunas ng mukha.
"Oh? Bakit ka galit? Hindi ka ba natuwa sa nakita mo kanina? Masaya ang kuya Aero mo--"
"The heck!" irita kong sabi sabay tingin sakanya "Hindi ko siya Kuya, shut your mouth"
"So anong turing mo sakanya?" nakangising tanong niya "Ah.. Fan ka niya"
"Pag hindi ka pa tatahimik mahe-head attack kita"
"Oh so scary, nowadays marami na talagang mga baby bra warriors--"
"Excuse me? Hahaha! At least ang dede ko natural e yang sayo? Imposibleng walang silicon yan!" banat ko, may something kasi sa Dede niya e hindi ako sure basta inasar ko nalang.
"Silicon? Excuse me, natural to, tanong mo pa kay Aero hmp!"
Sa pag kakataong yun ay natigilan ako bigla "May nangyari na sainyo?"
"Ops" tinakpan niya ang bibig niya "Spg, bawal sa mga bata--"
"E put*ngina!" mabilis kong nahila ang arnis ko sa likod sabay tutok sakanya kaya napaatras siya "Don't touch him you slut, hiwalay na kayo diba? 'cause you cheated first! Tas ngayon hahabol ka! Ah i see.. Halata naman sa mukha mong may hybrid ka ng bulldog!"
"Pero ang babaeng ito na may hybrid ng bulldog ang kinababaliwan ni Aero sa kama--"
Hindi ko namalayang nahampas ko sa salamin ang hawak kong arnis kaya gumawa ito ng matinding ingay at nag kabasag basag.
"Put*ngina ka! Tama na!" sigaw ko sakanya habang nangingilid ang luha ko. Nakatakip ang tenga niya gamit ang dalawang kamay niya "Put*ngina ka!!" sigaw ko ulit habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...