Nanliliit ang mga mata ko habang pumipili ng cake, birthday kasi ni Aero. Kailangan ko siyang isurprise. Nabili ko na rin ang ireregalo ko sakanya na pinag ipunin ko. I'm sure magugustuhan niya yun.
Nang makabili na ako ng cake ay ang punta ako sa apartment niya, dahil isa na akong dakilang misis niya ay binigyan niya ako ng duplicate ng susi niya sa apartment niya oh diba!.
Pag pasok ko ay nilagay ko sa silong ng kama yung bagong gitara na bili ko. Luma na kasi yung gitara niya at sure kong magugustuhan niya iyon.
Nilagay ko sa kusina yung pinamili kong handa niya, nag order nalang ako sa fast food chain di knows mag cook, kinuha ko ang lighter sa kusina at dahan dahan inalis sa box ang cake. Tinusok ko doon yung dalawang kandila na naka korteng two at seven dahil twenty seven na siya. Sampong taon na agwat ng edad niya sakin, e ano naman at least matured ako hmp.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
"Hello"
"Oh, nakauwi ka na?" kunwareng tanong ko at napatakip ng bibig kasi nae-excite ako
"Malapit na sa apartment, ikaw?"
Taranta kong pinatay ang ilaw "Ah nakauwi na kanina pa, bye may gagawin lang ako"
"Ok, I love--" mariin akong napapikit dahil napatay ko agad, hindi na tuloy niya nasabi yun.
Gamit ang liwanag ng cellphone ko ay sinindihan ko ang kandila sa cake saka ito binuhat. Bahala na. Napangiti ako ng makita kong pumasok na siya.
"Ha?" usal niya sabay sindi ng ilaw
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday!" tumatango tango siya habang pinapanuod akong kumanta at pumapalakpak pa ng paisa isa "Happy birthday! Happy birthday to you~~" matapos ko siyang kantahan ay nag lakad ako papunta sakanya."Make a wish" utos ko at tinapat ko sakanya ang cake.
"Sana--"
"No, secret dapat" pag pipigil ko sakanya
"Sana, mapakasalan si Gabriela San Jose" pag katapos niyang mag salita ay inihipan niya ang kandila na may two at seven na design.
"Wish mo yun?"
"Malamang" sagot niya at dinikit ang daliri niya sa icing sabay lagay sa ilong ko kaya masama ko siyang tinignan. "I love you baby"
"Hay grabe" nilapag ko sa upuan yung cake at nilagyan rin ang ilong niya ng icing saka ko siya binelatan.
"Ok ok, enough ayoko na malagkit yan" pag pigil niya saakin ng akma kong lalagyan ulit ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako. Lagi niya akong tinititigan, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil nagagandahan siya saakin? Sabagay, maganda naman talaga ako. Napansin kong lumalim ang pag hinga niya at ang mata niya ay nakatama sa labi ko. "Pag tinititigan kita, parang gusto kong hinahalikan kita"
"Tara?" aya ko sakanya habang nakangiti pero kumunot noo siya.
"Saan?"
"Halikan tayo" aya ko at nilapit ko ang mukha ko sakanya pero dinakma niya ang mukha ko saka nilayo sakanya.
"Tigil haha!" kinuha niya ang cake umalis.
Nakasibangot ko siyang sinundan ng tingin habang nag lalakad siya papunta sa kusina. Sinundan ko nalang din siya.
"Hay Gabby, nag abala ka pa" nakita kong bumagsak ang dalawang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...