Chapter 9

48 12 0
                                    

Nakaupo ako habang pinapanuod ang mga bisitang sumasayaw sa gitna. Debut ko pero hindi ako masaya kasi hindi ko pa nakikita si Aero. Siguro nag rereview pa siya? Wala na talaga siyang time sakin. Dahil doon sa nangyari nung isang linggo, sabi niya huwag na muna daw ako pumunta sa apartment niya at mag usap muna kami through call.

Kaso pag katawag ko siya madalas niya ang tulugan. Iintindihin ko ulit yun. Pero sana naman ngayong debut ko ay mag pakita siya. Grabe siya.

"Anak, why you look sa sad?" tanong ni Papa habang sinasayaw na ako dahil nag umpisa na ang 18 roses at siya ang first dance ko. Ngumiti ako at umiling.

"No, I'm not. Masaya ako Papa, salamat po dito" sinserong sabi ko

"Basta para sa prinsesa ko" nakangiting sagot naman ni Papa

"I love you, Pa" bigla akong pumiyok kasi naiiyak ako. Ang swerte ko lang talaga sa mga magulang ko dahil binigyan nila ako ng magandang buhay. Hindi ko naranasang magutom dahil sakanila.

"Ooohh... Don't cry sayang ang make up, ang ganda mo pa naman din" pinunasan ni Papa ang luha ko

"Hehe, I'm just... Happy" sagot ko

Happy? Umiiyak ka ba talaga sa saya o dahil hindi mo parin nakikita yung taong gusto mong makita?'

Sunod na isinayaw ako ng mga pinsan, kaibigan at mga tito ko. Ang last dance ko ay ang pamangkin kong 10 years old. Nag palakpakan ang marami ng pumunta ito sa harap ko, mas maliit ito saakin, cute.

Nag patay ang music at tumugtog ang bagong music.


"I found a love, for me" nung kumanta yung singer ay nagpalakpakan sila.

Ibang singer--'


Sandali akong nahinto sa pag sasayaw ng maitama ko ang paningin ko sa lalaking kumakanta. Literal na napangiti ako at nginitian niya rin ako habang tumatango siya, senyas na sumayaw lang ako kaya naman tinignan ko ang pamangking ko at pinag patuloy ang pag sayaw sakanya.

Ang puso ko, parang tumatalon sa saya. Lahat ng tampo ko kanina ay nawala sa isang linya ng kanta ni Aero.

"Tita, crush mo yung singer 'no?" nakangiting panunukso saakin ng pamangkin ko.

"Crush ka diyan!" sagot ko naman.


Boyfriend ko kaya hihi!'


Matapos ang 18th roses ay nag patuloy ang party at sayawan. Ako naman ay hindi na umupo sa pwesto ko sa stage kasi gusto kong kausapin ang mga bisita para mag pasalamat sa pag punta.

"Ang taray mo insan, si Aero pa talaga yung isang singer" kinikilig na sabi ng pinsan kong bakla

"Gulat din ako e"

"Halla, hindi mo alam?"

"Ah... H-hindi" mali ata ako ng sagot.

"Ang cute niya talaga, sarap angkinin"

"Halla hahaha!" tawa ko "Sige enjoy lang kayo ah" paalam ko saka nag lakad lakad.

Habang nag lalakad ay pasimple akong tumitingin kay Aero habang kausap niya yung nasa sound system. Nilingon ako nito at nginitian ko naman siya. Inalis niya ang tingin saakin kaya inalis ko na rin ang tingin sakanya.

Dahil mukang nag kakasayahan naman ang mga bisita ay hindi ko nalang sila inistorbo, may kanya kanya na silang mundo. Si Mama at Papa kausap ang mga tito at tita ko. Ako?.


Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon