Nang buksan niya ang pinto ay agad ko siyang niyakap.
"Gabby bakit ka pa pumunta dito?" tanong niya pero tanging pag hikbi ang nasagot ko. Narinig kong isinara niya ang pinto at gumanti ng yakap. "Gabby, may punto ang Papa mo--"
Kumalas ako sa pag kakayakap sakanya "Ano ba kasing sinabi niya?"
Bumuntong hininga siya at tinalikuran ako, nag lakad siya papunta sa kama at umupo. "Gabby babalikan naman kita e, pag stable na lahat--"
"Anong stable?" inis kong tanong
Napahilamos siya ng mukha at hinawi ang buhok pataas "Makinig ka muna sakin, para sa kapakanan mo rin yung gusto ng parents mo. Respetuhin natin yung gusto nila"
"Paano yung gusto natin? Paano tayo?" napasabunot ako sa buhok sa sonrang pag ka irita "Hindi ko maintindihan kung anong mali Aero, yung edad lang ba natin?"
"Para sayo, hindi 'to mali"
Bumagsak ang dalawang balikat ko "Anong ibig mong sabihin? Para sayo rin mali 'to?"
"Alam kong mali pero ginawa ko parin. Tama ang Papa mo, maling ginawa kitang nobya ng ganun ang edad mo, may mali ka ring ginawa kasi sinuway mo sila"
Napasandal ako sa pinto at napaupo ng wala sa sarili. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa tuhod ko na nakaangat at yumuko.
"Gabby, maghiwalay muna tayo. Itigil na muna natin 'to, iniisip ko rin ang para sa ikabubuti mo. Ayokong sinusuway mo ang magulang mo dahil dito sa relasyon natin"
Nag angat ako ng tingin at nag punas ng luha "Paano na ako?"
"Nabuhay ka naman dati nung wala pa ako sa buhay mo"
"Hindi mo ako naiintindihan"
Nakita kong tumulo ang luha niya at pinunasan niya ito agad. "May kanya kanya tayong priorities na kailangang harapin, ikaw kailangan mong makatapos ng college at sumunod sa magulang, ayokong magaya ka sakin"
"Kaya ko namang makapag tapos ng tayo e, sisiw lang sakin ang secret relationship kasi.. Dalawang taon kong inenvest ang oras ko para sayo ng hindi nila nalalaman, e ikaw? Anong kaya mong gawin para sakin? Aero naman oh.. T*ngina naman" niyuko ko ang noo ko at doon humikbi.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako saka idinikit sakanyang dibdib ang ulo ko kaya niyakap ko siya.
"Lahat, pero ang iniisip ko ngayon... Ikaw. Ang alam mo ba hindi ako nasasaktan ngayon?" naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo "Huwag nating suwayin ang parents mo kasi, iniisip lang nila kung anong mas nakakabuti sayo" hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag nalang kasi tayong mag hiwalay, ang sakit sakit e" humihikbing sagot ko
"Kailangan e, tsk hay paano ba 'to" suminghal siya "Pag maayos na lahat... Pag maayos na lahat Gabby, mag tiwala ka sakin. Para sayo rin 'to"
Nag angat ako ng tingin sakanya at nag tama ang paningin namin "Mag kakabalikan rin tayo?"
"Promise" tinaas niya ang isang palad niya sa gilid "Pag CPA na ako, pag graduate ka na, kahit abutin pa ako ng taon sa panliligaw sayo gagawin ko"
"Taon? Bakit ko pa patatagalin ng ganun kung ikaw lang namana ng mahal ko"
Malungkot siyang ngumiti at pinunasan ang luha ko "Mangako ka, sakin ka lang ikakasal, hm? Malinaw?"
Tumango ako "I can't imagine my future without you Aero"
"Me too baby... me too"
Lutang akong nag lalakad habang papasok sa village namin. Nakapamulsa ang dalawang kamay ko sa pocket ng jacket ko. Wala na akong pake kung may mang sagasa man saakin. Parang mauubos na rin ang luha ko kasi nung pag alis ko sa apartment ni Aero hanggang dito ay hindi matigil ang pag tulo nito.
Totoo ba 'to? Hiwalay na kami. Hiwalay na kami ng lalaking pangarap ko. Hindi ko rin maintindihan ang magulang ko kung bakit kailangan nilang gawin ito. Sa sitwasyon na ito, pakiramdam ko ako yung pinaka lugi. Lahat sila iisa ang paniniwala na mali ang relasyon na pinasok ko. Pero para saakin, walang mali e.
Mali bang mag mahal sa lalaking halos sampung taon ang agwat saakin?. Good influence naman siya ah, ang dami kong uno na grade, lagi akong masaya, lagi akong may inspirasyon sa lahat ng gagawin ko, lagi akong nangangarap ng magaganda para sa future. Anong mali doon?. Dahil sa bata pa ako at bawal pa akong mag boyfriend? The h*ck.
"San ka galing?"
Nahinto ako sa pag lalakad ng biglang sumulpot si Papa mula sa kusina.
"Nag usap kami ni Aero" walang gana kong sagot
"Gabby! Hindi ka ba talaga marunong makinig? Magulang mo kami bakit ayaw mong sundin ang gusto namin--"
"E paano yung gusto ko!?" hindi ko mapigilang mag taas ng boses. Hinarap ko sila at tumingin kay Mama na nag salita. "Kahit gusto kong sundin kung anong gusto ko... ayaw din ni Aero e" humihikbi kong sagot at napahilamos ng mukha. "Nakipag hiwalay na siya saakin, tinapos na niya lahat lahat, okay na? Happy kayo? Lumuwag ba pag hinga niyo? Then I'm happy for you" pumapalpak ako "Great job, nasaktan niyo ako"
"Pinalaki ka naman namin maayos, bakit ka ganyan makapag salita saamin anak?" tanong ni Papa
Tumango ako "Oo nga naman, sorry Pa ah, sorry Ma kung sinuway ko kayo." hinawakan ko ang tapat ng puso ko "Sorry kung... Maaga akong nag mahal, alam niyo ba si Aero" mapait akong ngumiti "Napapasaya niya ako lagi, tinuturuan niya ako sa mga subjects ko, accountancy tinapos nun e.." napayango ako ng may sumaging ideya sa isip ko "Siguro nga uhaw lang ako sa atensyon"
"At kami ang may kasalanan?" tanong ni Mama
Nag kibit balikat ako "Ewan basta ang alam ko lang, busy ka sa mga kumare mo kasi majong is life kayo e, si Papa naman workaholic. Pero ayos lang sakin kasi mayroon naman si Aero, ang kaso pati siya nilayo niyo sakin. Paano na ako ngayon?" inalis ko ang tingin sakanila at umakyat ng hagdan.
Kahit hiwalay na kami ni Aero. Akin lang siya.
THANK YOU
GOD BLESS
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...