Epilogue

102 15 19
                                    

Ibinaba ko ang hawak kong tasa at nag angat ng tingin ng makita siyang dumating.

"May kasama ka ba?" tanong nito at umiling naman ako sabay napatingin sa batang hawak niya.

"Hello" nakangiting bati ko sa anak niyang babae at kinawayan rin ako ng bata habang nakangiti. "Parehas kayo ng ngiti hehe" nahinto ako sa pag tawa ng mapagtanto ko ang sinabi ko "Ah upo kayo"

Umupo si Aero sa tapat ko at pinaupo rin ang anak niya sa tabi niya.

"Hi, anong pangalan mo sweetheart?" tanong ko sa bata

"Daniela po" nahihiyang sagot nito, tumango naman ako.

"Ang ganda mo naman" pag pupuri ko sakanya

"Hindi lang yan maganda" napatingin ako kay Aero ng mag salita ito "Singer din yan, dali anak kanta ka nga"

"Hehehe Papa"

Nahawa ako sa ngiti nung bata, ang ganda niya, kamukha ni Aero. "Parinig nga" sambit ko naman at napatingin saakin ang bata.

"Yung song nalang po na laging pinapakinggan ni Papa" sagot niya.

"Sige dali" na-excite ko namang sagot habang pumapalakpak.

"Evewytime you touch me.. you wewind me I'm stir alive.. So pwamis you hmm--" nahinto sa pag kanta ang bata ng takpan ang bunganga niya.

"Ah hehe, singer nga" awkward kong sabi at napasimsim sa kape.

Ganun agad yung kanta? Hindi ba pwedeng twinkle tinkle muna?'

"Bakit naman yun 'nak" rinig kong bulong ni Aero sa anak niya habang hinahaplos ang buhok nito kaya bahagyang natawa ko. Walang nag bago sakanya haha.

"Mana sayo" sabi ko kay Aero at tumango naman siya habang nakangiti. Mabilis kong inalis ang tingin sakanya saka ibinaling ang tingin sa bata.

"Kamusta?"

"Hm? Ok lang" sagot ko sabay tingin sakanya "Ikaw?"

"Heto, busy sa pagiging tatay at trabaho--"

"Lola!" napatingin ako kay Daniela ng bigla itong sumigaw at umalis sa kinauupuan niya.

"Apo ko" naibaling ko rin ang tingin sa babaeng may edad na. Hindi ako pwedeng mag kamali na Mama ito ni Aero.

"Ma, kunin ko nalang siya next week" sambit ni Aero at nakipag beso beso sa mama niya.

"Sure" sagot naman ng Mama niya saka napatingin saakin. Ngumiti ito kaya nginitian ko rin siya, ibinaling niya ang tingin kay Aero at tinaasan niya ng dalawang kilay.

"Si Gabriela po" sagot naman ni Aero at tinaas baba ang dalawang kilay.

"Hello po, good evening" sagot ko dahil p.m na.

"Hello hija, nice meeting you. Alis na kami ha" paalam nito kay Aero.

"Ingat po" pahabol ko at kinawayan ako ni Daniela "Bye baby" paalam ko sakanya bago niya ako tinalikuran.

"So" pabigla akong napatingin kay Aero ng mag salita ito.

Kalma Gabby!'

"How's life?" tanong niya at nilapag ng waiter yung inorder niya.

"Good.. HR manager na ako ngayon, ikaw ba mister CPA?"

"Ah hehe, sa bangko ang trabaho ko" sagot naman niya

Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon