Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.--------
Matapos ng trabaho ko ay naisipan ko munang dumaan sa coffee shop para makapag pahinga at mag muni muni.
Umupo ako sa paborito kong pwesto kung saan nakikita ko ang mga tao, dito sa labas. Habang hinihintay ang order ko ay tinanaw ko muna ang mga tao na palakad lakad.
Hanggang sa may mga nakita akong istudyante at hindi ko namalayang napangiti habang nakatingin sakanila. Oras na rin kasi ng uwian dahil hapon na. Nag tatawanan sila na parang mga walang problema, pero sa totoo lang problemado rin ang mga iyan.
Nung ganyang edad ko, ang dami kong problema sa subjects ko, napakatamad ko kasing mag aral at puro ako....
Puro siya yung inaatupag ko.
Napailing nalang ako at napabuntong hininga ng bigla siyang sumagi sa isip ko.
Yung... Pinaka unang lalaking minahal ko.
Si Aero.
"Here's your order Ma'am, enjoy"
"Thank you" sagot ko sa waiter ng mailapag niya ang inorder ko sa tapat ko.
Nilabas ko ang phone ko para tignan ang social media account ko.
"Gabby?"
Napakunot noo ako at nag angat ng tingin ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
Sandali.. Siya ba talaga ito?'
Yung ngiti niya, kung paano siya pumorma, yung buhok niya, yung...
"Gabby? Sabi na e, ikaw yan... You look good"
Napakurap ako ng mabilis at ngumiti "Hi, musta?" tama ba yung sinagot ko. Ano ba Gabby, umayos ka!. "Upo ka"
Naalis ang tingin niya saakin "Teka, yung anak ko"
Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil dali dali siyang umalis sa harap ko.
Yung anak ko'
Yung anak ko'
Yung anak ko'
Paulit ulit kong narinig sa isip ko ang sinabi niya. Hindi naman na nakakagulat, alam ko namang may anak na siya.
Napalunok ako at tumingin sa loob, sa pagitan ng salamin ay nakita ko siyang karga karga ang kanyang anak na babae, kung 'di ako nag kakamali, limang taon na rin ata. Tinuro nung anak niya ang nasa menu.
Habang nakatingin sakanila ay mapait akong napangiti at nag tama ang paningin namin, sumenyas siya ng 'Teka lang' at tumango naman ako saka ko inalis ang tingin sakanila.
Sumimsim ako sa inorder kong kape, kasabay nung kape nilunok ko na rin ang nag babadyang luha ko.
---
Awit Series #1
"Adik sa 'yo, Awit sa akin"
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
KurzgeschichtenAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...