Walking dead.
Diyan ko ihahalintulad ang sarili ko simula ng mag hiwalay kami Aero. Lahat talaga ng koneksyon ko sakanya pinutol na niya. As in lahat!. Nung minsang pumunta ako ng resto ay sinabi nung guard na hindi na tumutugtog si Aero. Hindi ko rin siya macontact kasi baka nag palit na ng sim. Nasa akin pa rin ang duplicate ng susi ng apartment niya pero parang nawawalan ako ng lakas ng loob para guluhin pa siya. Hindi gaya dati na sobrang kapal ng mukang kong mag papansin sakanya.
Halla, baka naman nawawala na yung feelings ko sakanya kaya ganun?. Ang bilis ko naman ata maka move on?.
Siya kaya? Mahal parin kaya niya ako?.
Pag hiwalay na hindi na ba pwedeng maging friends? Tss. Badtrip, basta nalang nangiwan.
Habang nag sasalita yung lecturer sa harap ay nakay Aero ang isip ko. Kinakabahan rin ako kasi ngayon na yung result ng board exam. Grabe, miss na miss ko na ang lokong iyon. Hindi ko man lang siya na good luck nung mismong exam niya.
Lahat lahat ng koneksyon ko sakanya, nawala lahat.
Ang hirap, parang parusa.
Nang mag lunch break na ay hindi ako kumain dahil tutok ako sa cellphone ko, ng makahanap na ako ng article ay agad ko itong tinignan.
"Oh please... Buenavista, Buenavista, Buenavista--"
Napahinto ako sa pag scroll at literal na napanganga.
"Aaahhh!!!" sigaw ko sa saya at napatalon "O my gash! Pumasa siya"
Super super super super one hundred times proud ako sakanya!. Teka, hindi ko pwedeng palagpasin ito! Kailangan ko siyang i-congrats ng personal. No way! Hindi pwedeng hindi ko siya mag congrats ng persona. No f*cking way!.
Pag katapos ng klase ay mabilis akong kumilos paalis ng campus pero hindi pa man ako nakakalabas ay nakita ko si Papa na nasa labas ng gate.
"Pa, bakit po kayo nandito?" tanong ko
"Anak, let's go" napatingin naman ako kay Mama na sumilip sa bintana ng kotse.
"Dinner tayo sa labas" aya ni Papa at hinawakan ang likod ko. Wala naman na akong nagawa kaya nag patangay nalang.
Ano ba yan! Ang timing naman oh! Bakit ngayon pa!?'
Masama lang ang tingin ko sa labas ng bintana kasi badtrip ako. Hay!. Gusto ko talaga siyang puntahan! Sa loob ng tatlong buwan ngayon lang ako kay lakas ng loob para puntahan siya.
Dahil madadaanan namin ang resto ay mas tumalas ang paningin ko, nag babakasakaling makita siya.
"Oh?" ani Mama kay Papa ng biglang huminto ang kotse.
"Teka" sagot naman ni Papa at lumabas ng kotse. May nangyari ata sa makina kaya pumunta ito sa harap.
Ako naman ay ibinaling ang tingin sa resto, at kumabog ang dibdib ko ng makita ko si Kuya Brandon yung kabanda ni Aero.
Mahal ko'
Tipid akong napangiti at nangilid ang luha ng makita ko si Aero, ngunit ang ngiting iyon ay napalitan rin ng lungkot ng makita ko si Yesha na kasama nila. Hindi man sila mag katabi pero mukang komportable na si Aero sakanya.
Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili sabay ngiti. I'm ok. Okay lang. Bawal mag selos kasi break naman na kami e.
Napatakip ako ng bibig ng biglang mag tama ang paningin namin. Agad ko ring inalis ang kamay ko sa pag kakatakip sa bibig ko at kinawayan siya. Dahan dahang nag seryoso ang mukha niya at naalerto ako ng makitang mabilis itong humakbang papalapit.
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...