Sabado.
Boryong.
Wala magawa.
May gig siya ngayon pero ayokong manuod. Ayoko na, gusto ko munang mag hilom ang puso kong sugatan na siya ang dahilan.
"Anak, ok ka lang?" napatingin ako kay Mama. Namalayan ko nalang na kanina ko pa nilalaro yung pancake ko. Hindi kasi ako makakain dahil sa lalaking may pusong bato na iyon.
"Opo Ma" nakangiting sagot ko
"Ang tamlay mo ah, gusto mo mag shopping tayo?" sa tono ni Mama ay para akong isang bata na sinusuyo niya kasi naagawan ng candy.
"Ma, hindi na ako bata" sagot ko at ibinaling ang tingin sa pancake "Ayoko na ng pancake na almusal, gusto ko ng kapeng barako" dagdag ko pa "Hindi na ako bata" pag uulit ko
"Ano bang nangyayari sayo ha? May problema ba?" tumingin ako kay Mama at bakas sa mukha niya ang pag tataka
"Muka pa rin ba akong bata? Nireregla na ako--"
"Kumakain tayo"
"Ay sorry po" napasinghal ako at uminom ng tubig.
"Ano ba kasing problema? Ilang araw ka ng ganyan"
Ilang araw na rin kasi kami hindi nag uusap ni Aero. Inalis ko yung simcard ko, nag palit ako ng number para hindi na niya ako matawagan yun ay kung naaalala pa niya akong tawagan. One week na rin bago mangyari yung confession niyang hindi niya ako magustuhan kasi hindi ako nag g-grow up. Nakakaasar.
Ano bang grow up ang gusto niya? Mag make up ako? Mag dress na parang sa suot ni Bulldog tss.. Hay! Naalala ko na naman yung bulldog na yun!.
"Sinasabi mo bang pumapatol ako sa bulldog? Ex ko si Yesha kahit ginago niya ako minahal ko yun--"
"Bwiset" bulong ko sa sarili saka sinaksak ang pancake ng tinidor.
"Oh?" nasa harap ko pala si Mama, nakalimutan ko.
"Ma, mag shopping tayo bilhan niyo po ako ng dress kasi kailangan ko po sa school e" nakangiting sabi ko sabay tayo.
"O-ok" sagot ni Mama
Pumasok na ako sa kwarto ko para gumayak.
Minahal niya? E siya? Minahal ba siya? Kahit gwapo si Aero may pag ka-tanga tanaga rin e. Pasalamat nga siya pinag tya-tyagahan ko pa siya, tinitiis ko lahat ng drama niya sa buhay. Pag nagsusuka siya sa kalasingan nililinis ko damit niyang nasukaan niya. Pang wife material na ako sakanya! Lahat ng good side ko pinakita ko sakanya. Tapos sasabihin niya lang na hindi niya ako magustuhan kasi hindi ako nag gro-grow up!.
Growp up ba hanap niya? Bigyan ko siya ng Glow up na bunos pero hindi na ako mag hahabol sakanya kasi wala akong hybrid ng bulldog gaya ng Ex niya na minahal niya daw haha! Gago! Tanga!.
"Ma, gusto ko 'to" pinakita ko kay Mama yung red dress na above the knee.
"Gabby, masyadong maikli"
"Pero ito po yung gusto ko"
"Ok sige" napangiti nalang ako at pinataas baba ang kilay. Ang saya.
Lahat ng pinamili kong damit ay pang grow up. Basta pang grow up tawag ko doon, bumili rin ako ng make up. Pinayagan naman ako ni Mama kasi college na ako e. Lahat ng binili kong dress ay hindi colorful, sophisticated look lahat.
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...