Gaya ng inaasahan ko ay nabawasan nga ang time ni Aero saakin kaya naman kada pag katapos ng klase ko ay ako na mismo ang pumupunta sa apartment niya, madalas ko siyang naaabutan sa may dinning area at nagaaral. Laging may lapis na nakaipit sa tenga, ang gitara niya nilinisan ko rin kasi maalikabok na.
Ako na rin ang nag linis ng apartment niya kasi hindi na niya ito maharap, naiintindihan ko naman siya kasi almost 6 years na rin ng mag graduate siya ng college. Pero hindi naman siya nangangalawang pag dating sa stock knowledge kasi halos dalawang taon ko na rin siyang nagiging tutor, wala nga lang siyang sahod sakin he he. Sasahuran ko nalang siya ng pag mamahal.
Maingat kong nilapag sa tapat niya yung inorder kong pag kain para hindi siya maistorbo, hirap kaya ng accounting uy! Nakakaiyak! Paano pa kaya siya nag mag bo-board exam na, naiimagine ko palang naiiyak na ako lalo na pag ako yung nasa sitwasyon niya. Buti at non-boardyung course ko he he, I know my capacity. Business administration ang course ko.
Nang malapag ko ang pag kain ay nag punta ako sa tabi ng kama at umupo sa sahig. Nilapag ko roon ang laptop ko dahil may kailangan pa akong i-encode. Maaga ang uwian ko ngayon, three pm, kapag ganito ang sched ko dito ako kay Aero hanggang sa mag alas sais ng gabi.
Habang nag e-encode ay nilakihan ko ang mata ko dahil nakakaramdam ako ng antok. Sinilip ko si Aero sa kusina at nandun pa rin naman na nakaupo habang binabasa yung makapal na libro. Jusko, pag ako yan dumugo na ilong ko. Muntik na kaya akong kumuha ng course na accountancy dati dahil yun din ang course ni Aero, buti nalang natuktukan bunbunan ko at nagising sa katotohanan na, I CAN'T.
Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa ko at nag inat sabay higa ng ulo sa kama. Humapdi yung likod ng balikat ko.
Naramdaman ko ang padyak ng paa niya habang nakapikit ako. Gusto ko matulog pero hindi ako makatulog, gets?.
Naramdaman kong nasa tabi ko na siya ng hawiin niya ang buhok ko. Halla, feeling ko ang ganda ko. Hinalikan niya ang noo ko at kinalabit ang ilong ko.
Iminulat ko ang mata ko at ngumiti "Tapos ka na?" tanong ko at binangon ang ulo. Sumandal siya sa kama at pag kahiga niya ng ulo niya ay tumunog ang leeg niya. "Hehehe" tawa ko at natawa rin siya.
"Grabe siya" usal niya, pati expression ko na a-adopt na rin niya.
"Meryenda na tayo" aya ko saka tumayo
"C.R lang ako" paalam niya
Nauna na akong pumunta ng kusina, ayokong iligpit ang gamit niya dahil baka may magalaw akong importante.
*brrzz*
Napatingin ako sa cellphone niya ng mag vibrate ito kaya kinuha ko iyon.
Hm? Unknown?'
Mabilis kong sinagot yun, keypad ang cellphone ni Aero kaya madali lang maunlock.
"Aero, busy ka ba?" babae. P*tang ina si Bulldog 'to!. "Puntahan mo naman ako"
Naitama ko ang paningin kay Aero na nakatingin saakin at itinaas ang dalawang kilay kaya pinindot ko ang loud speaker.
"Aero please.. I need you" sabi pa ni Bulldog
"Sino yan?" he mouthed at nag kibit balikat ako saka ko inabot sakanya ang cellphone. "Sino ka?" tanong niya sa tapat ng cellphone.
"Si Yesha 'to, please mag kita tayo"
Nanliit ang mata ko at tumango, ngumanga si Aero at tumango ako "Pumayag ka" mariing bulong ko at umiling siya.
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...