Pinag handaan ko ang gabing ito, inabot ako ng oras para mag ayos ng mukha at buhok. Siyempre gusto kong mag mukhang maganda pag nakita niya na ako. I wear waterproof make up, pastel peach dress, doll shoes para pretty lang, nag lugay ako at nag curl ng buhok.
Hinanda ko rin ang wedding gift ko para sakanya. Simpleng couple shirt lang para sakanila, hindi ko kasi alam kung anong ireregalo ko e. Bahala na haha.
Nang makarating ako sa tagpuan namin ay ipinunta ko sa likod ang regalo ko. Nang makita ko siyang naka upo habang naka yuko ang ulo ay huminga ako ng malalim at ngumiti. Pati ang ngiti ko pinag practisan ko yan, dapat mag mukha kasing totoo.
Nag lakad ako papalapit sakanya at nang marinig siguro niya ang yapak ko ay napaangat siya ng tingin.
"Kanina ka pa?" nakangiting tanong ko at umiling siya, ngumiti siya pero hindi ako kumbinsido sa ngiti niya. Hindi ako assuming alam ko ang pinag kaiba ng malungkot at totoong ngiti.
"Gabby--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinakita sakanya ang regalo ko. "Sana magustuhan niyo" nakangiting sabi ko at napatingin siya sa regalo saka niya ito kinuha.
"T-thanks"
Tumango ako at umupo sa tabi niya "Actually, gusto kong mag kita tayo ngayon bago ang kasal mo kasi gusto kong ibigay yang regalo ko" paninimula ko habang nakatingin sa kalawakan. Ayoko siya tignan, masyado siyang gwapo baka piliin kong maging isang kabet.
"Ikakasal na ako bukas, hindi mo ba ako pipigilan? Mag papapigil naman ako e"
"Hehe" hinampas ko siya sa braso, feeling close amp. "Sira, ngayon pa e nakatay na ang baboy" dugtong ko sabay alis ng tingin sakanya.
"Ayokong... makasal sakanya"
Napalunok ako dahil ako nalang ang nag kukunwareng masaya saamin, pahalata kasi siyang malungkot. "Gustuhin mo, mag kakaanak na kayo kaya dapat.... gustuhin mo" huminga ako ng malalim.
"Bakit nangyayari 'to?" nakita ko sa pheriperal vision ko na nakatingin siya sakin.
Huwag ka titingin sakanya'
Napalunok ako "Hmm.. Baka kasi, hindi talaga tayo" hindi ko na maiwasang mapatingin sakanya ng hawakan niya ang kamay ko "Aero--"
"Please, kahit ngayon lang"
Natigilan ako at inalis rin ang tingin sakanya. Hindi ko siya matignan sa mata, nakakaiyak e. Hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko. Ang malamig na kamay ko. Napapikit ako sabay hinga ng malalim ng halikan niya ito.
"Huwag ka namang ganyan... Closure natin 'to oh" sambit ko habang nanginginig ang boses, teka lalamunan ko ata yung nanginginig.
"Mahal mo parin ba ako?"
Napahikbi ako at napatingin sakanya "Mag sisinungaling ako pag sinabi kong hindi na" nag simula na naman akong umiyak
Umiling siya at dinikit ang kamay ko sa pisngi niya kaya naramdaman kong basa na ito ng luha. "Huwag mo na akong mahalin"
"I'll try, mahirap mag mahal ng taong mag kakapamilya na" matapos kong mag salita ay niyakap niya ako at doon na ako napahagulgol. Yakap lang talaga ang nag papahagulgol saakin. Pakiramdam ko malaya akong gawin yun.
"Patawarin mo ako Gabby... Alam mo kung gaano kita kamahal" tumango ako "Patawarin mo ako, kung hindi ko na matutupad ang mga pangako ko sayo"
Gumanti ako ng yakap "Naiintindihan kita Aero, pipilitin kong maging masaya para sayo... Maging mabuti kang Daddy at asawa ha" akmang kakalas na ako sa pag kakayakap sakanya pero hindi ko yun magawa dahil mahigpit ang yakap nito saakin.
"Am I dreaming?... Totoo ba talaga 'to? Bakit nangyayari 'to"
Idinikit ko ang noo ko sa balikat niya "Mamimiss kita, mamimiss ko yung panahong hinahabol pa kita, nung panahong naging tayo, nung panahong... masaya tayong mag kasama na parang... tayo lang ang tao sa mundo. Jusko Aero"
Naramdaman ko ang pisngi niyang idinikita sa ulo ko "I'll always love you Gabby.."
Ibinaling ko ang tingin sakanya kaya naman kitang kita namin ang isa't isa na pirmi ang pag tulo ng luha. "Me too" pinunasan ko ang luha niya "Kahit na magunaw man ang mundo, ikaw parin ang first love ko" hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya "Salamat sa experience, salamat sa mga natutunan ko sayo... Salamat sa" napahikbi ako "Salamat sa mga awit mo na nag pasaya sakin, nag pakilig hehe. Kasi doon kita nagustuhan e"
"Salamat at dumating ka sa buhay ko Gabby, Mahal na mahal kita"
Umiling ako "Huwag mo na rin akong mahalin, kasi ikakasal ka na e. Kahit ganun si Yesha, mag titino rin yun para sayo"
Huminga ako ng malalim at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya saka nag punas ng luha. Sana lang hindi fake yung waterproof eyeliner ko.
Naramdaman ko sa sling bag ko na nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.
Mama: Nasan ka?
Ibinalik ko ulit ang phone ko sa bag sabay tayo kaya nag angat siya ng tingin saakin. "Kailangan ko ng umalis" paalam ko at mabilis siyang napatayo.
"Pwede ba ulit kitang mayakap?"
"Sure" sagot ko at lumapit sakanya saka niyakap siya. Mariin akong napapikit bago ako kumalas sa pag kakayakap. "Bye" paalam ko at kinawayan siya bago talikuran.
Habang nag lalakad palayo..
Diretso lang...
Huwag kang huminto...
Huwag kang lilingon...
Parang gumaan ang mga paa ko, parang hindi ko maramdaman.
"Gabriela!"
Napatakip ako ng bibig ng marinig kong isinigaw niya ang pangalan ko. Wala ako sa sariling napahinto sa pag lalakad. Gusto kong mag lakad pero nahinto ako. Ang puso ko ang nag pahinto saakin.
"Gabby, mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita!"
Habang humihikbi ay napapikit ako.
Huwag kang lilingon... Diretso lang ang pag lakad!'
Ang maagaan na mga paa ko kanina'y unti unting bumigat.
"Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita! Patawarin mo ako! Mahal na mahal kita!"
Hindi ko namalayan ang sarili kong nilingon siya. Namalayan ko nalang din na patakbo akong lumapit sakanya at ganun rin siya. Nang mag tagpo kami ay sabay kaming napayakap sa isa't isa habang umiiyak.
Huling yakap na iyon, hindi na ako uulit.
Hindi na talaga.
THANK YOU
GOD BLESS
BINABASA MO ANG
Adik sa 'yo, Awit sa akin
Short StoryAwit Series #1 Si Gabby ay may malalim na pag tingin sakanyang kaibigan na si Aero, isang vocalista. Hindi ito palihim dahil ilang beses ng nabasted si Gabby sakanyang kaibigan na lalaki. Ang dahilan ng lalaki, hindi wasto ang edad nila. "Adik sa 'y...