Chapter 13

45 12 1
                                    

"Tulungan na kita" hindi na ako nakapalag ng kunin ni Clarence ang hawak kong libro. "Ano ba kasing nangyari diyan?" tanong niya sabay nguso sa kamao ko na may bandage.

"Basta" tipid kong sagot dahil tinatamad akong mag explain, napailing nalang siya.

Si Clarence lang ang taong ka-close ko sa block namin. Trip niya ako, halata naman. Halatang crush niya ako, hindi naman sa pag a-assume pero hindi rin naman ako tanga para hindi mahalata.

Napatingin ako sa kamao ko na may bandage at napaatas ng isang kilay, napa buntong hininga.

"Gabriela, punta ka sa birthday ko--"

"Gabby" pag puputol ko sa sinasabi niya at naramdaman kong tumingin siya sakin.

"Ha?"

"Call me Gabby" sagot ko

Pati sa pag banggit ng pangalan ko naaalala ko si Aero. The way he call me Grabriela kapag naiirita siya sakin.

"O...k" rinig kong sagot niya

"Argh!" sigaw ko sa sobrang irita, ang bigat na kasi ng pakiramdam ko parang sasabog na ako.

"What's the matter?" tanong ni Clarence

"I really want to slap his thick face!" sigaw ko sa inis

"Sino?"

Bumuga ako ng hangin sabay mariing napapikit "Never mind" walang gana kong sagot.

Sumagi sa isip ko yung araw na nakita ko siyang may kasiping na babae sa kama niya habang hubad sila. Yung araw na yun grabe, ngayon ko lang napagtanto ang mga nagawa ko. Yung pag upo ko sa simento habang umiiyak na basang basa sa ulan, yung pag suntok ko ng paulit ulit sa simento. Nung nawalan ako ng malay dahil nag panic attack ako. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko nung araw na yun, parang iyon na ata yung pinaka masakit na nangyari saakin.

Sobrang sakit.

Hindi ko maipaliwanag yung sakit. Hindi ko masabi kay Mama kung ano ang nangyari, ang palusot ko, nag jogging ako at nadapa saka tumama sa cactus ang kamao ko. Stupid.

Pag nakita ko talaga ang lalaking iyon, hindi ko alam kung anong magagawa ko dahil sakanya ko isasabog lahat ng bomba na natanim sa puso't isip ko.

Mag mumukang boxing gloves itong bandage ko sa kamao dahil masasapak ko talaga siya.

"Ingat ha" paalam ni Clarence habang kumakaway. Kinawayan ko rin siya bago talikuran.

Dahil hindi naman ako nag mamadaling umuwi ay mag lalakad nalang ako. Nitong mga nakaraang araw madalas ko na itong gawin, parang gusto ko laging magkaroon ng "Me time" para makapag isip isip, kausapin ang sarili kasi wala naman akong makausap na iba.

Napakunot noo ako habang nag lalakad dahil pakiramdam ko may sumusunod saakin. Binalewala ko nalang. Parang wala na sakin kung maholdup ako dito.


"Ah! Sino ka?"

Agad akong naplingon sa likod ko ng may marinig akong ingay. Mag sasalita na sana ako ng makita ko si Clarence na may lalaking nakasakal sakanya pero mas pinili kong pag salubungin ang kikay ko ng makita ko ang lalaking iyon.

"Bakit mo siya sinusundan?" tanong ni Aero kay Clarence

"Hindi siya safe kasi gabi na" sagot naman ni Clarence at bakas sakanya ang takot saka ito tumingin saakin "Don't get me wrong Gabby, malinis ang intensyon ko"

Adik sa 'yo, Awit sa akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon