"Aira, nabalitaan mo na ba yung—" bago pa matuloy ni Eli sinasabi niya nagsalita na 'ko.
"Yes, Eli 'di ko na alam gagawin 'ko. Kumalat na agad sa social media." Pabagsak akong umupo sa sofa
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Alstiel.
"Kasi ganito yan." Kwinento ko sa kanila lahat.
—
"So anong balak mo?" Tanong ni Eli
Sa totoo lang kahit ako walang alam. 'Di ko alam ang sagot.
"Bakit hindi ka mag papresscon? Tapos sabihin mo lahat." Pagsusuggest ni Tiel
" I wish na ganun nalang kadali Alstiel" napatakip ako ng unan saka sumigaw.
"Okey lang yan Rara, Andito lang kami ni Tiel for you. Grouphug?" Nakangiting sabi ni Eli
" Grouphug! "
—————
Kinabukasan,"Aira! Tumawag yung guard andaming press sa baba ng condo." Bungad ni Eli sakin
"Andito na si Sir Jacob." Agad bumungad sakin ang 'di maipintang mukha ng direktor slash manager ko
"Lilipat kana Aira. Sa ayaw at sa gusto mo. Andaming reporter sa labas ng condo niyo baka pag 'di natin sila napigilan kahit dito mapasok kayo. Tara na, hihintayin kita sa labas ng condo"
Wala akong choice ganun? Bwisit kasing lalaking yun ba't ba nasa cr yun. Sabagay ako lang naman shunga shungang pumasok dun.
Nagsalamin , sumbrelo, jacket at mask. kinuha ko rin mga importanteng gamit ko tsaka lumabas ng kwarto.
"Bye girls." Niyakap ko sila isa isa.
"Dadalawin ka nalang namin sa titirahan mo ha." Agad nila akong niyakap.
"Mauna na 'ko. Tawagan ko kayo pag nakarating na 'ko sa titirahan ko." Tumango sila at lumabas na ako ng condo.
—
" Wala ka munang sasagutin sa mga tanong ng press, maliwanag? Kami na bahala sa lalaking nagspread ng news at doon sa nakasama mo." Agad kaming inescortan ng anim na lalaki para 'di madumog ng press.
Habang lumalabas ng condo
"Ms. Aira, Sino ang lalaking kasama niyo sa public restroom ?"
"Ano pong naisipan niyo bakit niyo ito ginawa sa kalagitnaan ng inyong career?"
"Ms. Aira, Anong masasabi niyo sa kumakalat na may 3rd party ka? Dahil alam ng lahat kayo ng iyong ka-loveteam na si Kairo?"
Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at hinayaang si sir Jacob ang humarap sa press.
Maya maya'y pumasok na rin si sir Jacob at umalis na kami.
Pumasok kami sa isang malaking gate mahigit kalahating kilometro ang layo nito sa isang bahay. Simple ngunit malaki.
"Sa ngayon dito ka muna titira, kung may kailangan ka sabihan mo si Aling Ester at Aling Celda.Sila ang makakasama mo sa bahay na 'to. Si Manong Arnold ang driver mo. Aalis muna ako may pagkain dyan kung gusto mo magpaluto ka."
Umalis na si sir Jacob at pumasok na ko sa loob ng bahay.
Binaba ko ang gamit ko sa gilid ng sofa at umupo muna saglit.
Hindi ko namalayan nakatulog na 'ko sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita