07

18 7 0
                                    

"Aray! ma—sakit" sinamaan ko siya ng tingin

"Tiisin mo!" Mas lalo ko pang diniin sa kanya yung bulak na may alcohol.

" Bakit ba galit na galit ka?" Bakit nga ba ako galit?

"Syempre bakit 'di ka umilag?"  Tanong ko.

Flashback——

"Si Aira ba yun?!" Agad akong napabitaw ng yakap at napatingin sa nagsalita maging si walang mata ganun ginawa

"Si Aira yung star sa Clandestine Channel at artist ng ZA entertainment." Nanlaki lalo ang mata ko sa mga bulungan.

"Siya nga!!!" Agad kaming nagkatinginan ni walang mata

Sinukbit niya ang bag niya sa balikat nito

"TakboAno daw?

Bigla niyang hinatak ang kamay ko.

At sinimulang maglakad.

"Aira! Papicture naman!" Sigaw ng isang babae.

"Ilusyonada naman yan dapat mawala na siya sa pag aartista" Rinig ko sa isang babaeng nakapamewang.

"Masyadong obsess kay Kairoanong obsess?! Hindi ako obsess no.

"May namamagitan sa kanila ni Kairo tapos may kasamang ibang lalaki?Malandi! Dapat tinuturuan yan ng leksyon" Isa sa babaeng nakatingin samin.

Nabigla ako ng nakitang nauna ito samin. Dinampot ang isang vase galing sa isang store at akmang ibabato sakin.

Napapikit ako at hinintay tumama ang vase.

Napadilat ako ng narinig ang pagkabasag ng vase.

"Khen?" Humarap ito sakin at ngumiti habang tumutulo yung dugo sa gilid ng pisngi niya.

——END OF FLASHBACK——

"Masyado kang takot, ang liit liit naman." maliit daw pero kung umaray kala mo pinutulan ng binti.

Maliit pala? mas lalo kong diniin yung bulak.

"Aira!" Napatawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Hahaha. Ano?" Hinawi niya yung buhok niya at pumikit.

Ilang minuto lang napansin kong nakatulog na ito.

Bakit kaya ang haba ng buhok nito? Okey naman sakanya short hair mas makikita yung mukha niya.

Bakit kasi kailangan mo pa humarang edi ikaw tuloy natamaan.

Kahit may bukol at may sugat hindi parin maitatanggi na gwapo talaga siya.

Oo na, gwapo na siya inaamin ko na!

Mukha naman siyang mabait.

Mabango rin siya.

Maputi kala mo nakalunok ng gluta.

Anemic ata choss!

Mahaba rin pilik mata niya.

Matangos ilong.

Maliit ang labi.

Almost perfect pati height.

Hindi imposibleng mahulog ako sa kanya.

"Tapos ka na bang pagpantasyahan ako habang tulog" nanlaki mata ko.

OMG as in Oh my Gandako!

Gising siya!

"A—ano?!Hi—hindi ah" agad akong tumayo.

"May lamok! Oo— May lamok kasi papatayin ko sana!" Aira anong palusot yun?

" Hahaha aminin mo na kasi." Aminin ayoko no! never!!

"Bahala ka nga!" Saka nag walk out narinig ko nalang tumawa siya.

Baliw na ata. Baliw na sakin choss

Ang harot mo Aira!!

—————

Author's Note:

Yieee... Ay something kumakarengkeng na ang ating bida. Si Khen na kaya ang pang matagalan o katulad rin siya ni Kairo na We're just friends ang ending?

Infairness kay Aira mahilig sa K ha!


Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon