17

8 2 1
                                    

"Ganda ni Tiel" sambit ni Eli habang nakatitig sa bride na si Tiel habang nag eexchange vows sila

"Oo nga, Eli bagay sila ni Jaspher" Napatingin sakin si Eli.

"Ikaw wala ka bang balak mag-asawa?" Pabiro nitong tanong sakin

"Wala, boyfriend nga wala. Asawa pa kaya." Sinamaan ko siya ng tingin

"You may now kiss the bride" ani ni father

Napatingin kami sa kanila.

They look so in love. Kailan kaya ulit babalik ung dati kinang ng mata ko katulad ng mga mata nila ngayon.

*****

"Thank you sa pag attend nang aming most special day which is our wedding day, It means so special to me and to Jacob na nakadalo kayo. Ahmm... And yeah enjoy the food." Ani ni Eli habang hawak ang kamay ni Jaspher.

"Hey, Aira. Ano iinom ka nalang ba d'yan?" Napalingon ako habang nakatingin sa taong nasa harapan ko ngayon.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Tumayo ako at....

" Ka-Kairo?"

"Ako nga! Kala ko 'di mo na ako makikilala eh. How's France?"

Niyakap niya 'ko ng sobrang higpit.

Bago ako umalis na noon bago pumuntang France na settle na namin ni Kairo lahat ng bagay tungkol sa amin.

" Of course not. Okey naman, France parin." Natawa nalamang ito sa sagot ko.

" Ahmm. By the way, Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko.

" Because I'm invited, kidding aside. No, Ahmm.. Seriously, Jaspher is my cousin. My mom and his dad are siblings." Pag eexplain niya.

"Ahmmm. I want to ask you, If I can join you here?." Kairo ask, wala naman sigurong masama kaya tumango nalang ako.

Humaba na ng humaba ang usapan, Pagabi narin ng pagabi, at habang tumatagal lumalakas na yung tama ng alak na iniinom ko kanina pa.

"Kai." Tawag ko sa kanya habang nakatitig siya sakin

"Yes Aira?" Kita sa mata niya ang pagkasabik malaman ang mga sasabihin ko.

"Minahal mo ba ko?" Hindi ko na mapigilan mga lumalabas sa bibig ko.

"Oo at hanggang ngayon minamahal pa kita." Hinatak ko amg neck tie niya para mapalapit sakin ng bahagya.

"Pero tinanggi mo yun diba?" Seryosong tanong ko.

Lakas ng loob ko magtanong, Hindi ko alam kung may mukha pa kong ihaharap sa kan'ya pagwala na tong tama ng alak sakin.

Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon