18

10 2 0
                                    

Oh, Nay. Andito na pala kayo. Mukhang may bisita kayo ah?." Nagulat si Nanay sa boses na nagmula sa kusina.

"Oh bakit andito ka, akala ko ba matatagalan ka sa France?" Natawa lamang yung boses sa kusina.

"May emergency kasi sa opisina kaya bumalik ako, ma." Rinig ang mga yapak na papalapit. Bakit ang lakas mg tibok ng puso ko?

"Kaya pala, tara may papakilala ako "Oh, Nay. Andito na pala kayo. Mukhang may bisita kayo ah?." Nagulat si Nanay sa bosessayo. Siya yung babaeng nakabunguan ko nung na confine si Kel-" hindi na natuloy ang sinabi ni Nanay Carmen lumabas na yung pinanggagalingan ng boses.

"Khen?"
"Aira?"

"Magkakilala kayo?" Nagulat na tanong ni Nay Carmen

"Yieeee kuyaaaaa! Si ate Aira nakita ko kanina." Talon ng talon si Kelsey.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko

Tumayo ako "Nay Carmen, mauna po ako-." Nagmano ako at sinukbit ung bag ko sa balikat.

"Teka, Aira." Pag pipigil ni Khen.

"Pwede ba kitang makausap, please?" Hindi ako sumagot at umalis nalang

_______

" Teka Aira!" Patakbong sigaw ni Khen.

" Please mag usap tayo. " Humarang siya sa harapan ko.

" Ano ba, Khen? Anong dapat pag usapan? Wala na. Aalis na rin ako sa makalawa. Hindi na tayo ulit magkikita. Okey? No need na Khen. " Iiwas na ko para umalis nang yakapin niya ko.

" Please, Aira. Kahit ngayon lang hayaan mo ko magpaliwanag. " Naramdaman ko na may pumatak sa balikat ko.

" Please, ilang taon kita hinintay. Please. " Naramdaman ko ung hikbi niya bigla akong nanghina, totoo ba to?

Pumayag na kong kausapin siya ngayon nagmamaneho siya ng kotse niya at ang kotse ko naiwan sa bahay nila.

Huminto siya sa isang lugar na kita lahat ng ilaw sa buong lugar parang maabot ko na ung mga bituin at buwan sa taas nito.

"Aira?" Tawag niya sakin habang nakatingin sa malayo.

"Sorry. Sorry sa lahat. I know sorry can make it easier or can ease the pain I cause you. Kung pwede lang ibalik ang lahat, Aira. Sana pinaglaban kita." Nanatili lang akong tahimik

" Sorry bigla kitang iniwan ng walang paalam, hindi ko na alam yung gagawin ko. Nagkasakit si Kelsey. Wala ng ibang maaasahan kundi ako. Hindi totoong hindi kita minahal. Lumayo ako para hindi kana madamay pa. Nagkautang utang ako sa lahat, kung ano ano na pinasok ko. Para lang may pambayad sa ospital pero hindi sapat lahat. Kahit sa anak sa labas ni papa humingi na rin ako ng tulong kahit alam kong 'di sapat yung sahod nya sa coffee shop. Nagkautang ako at nung araw na umuwi ako punong puno ng sugat. Naalala mo pa ba yun?Binugbog nila ako at kung hindi raw ako makakapagbayad pati ikaw sasaktan nila. Natatakot ako, naging mahina ako, Aira. Binitawan kita para sa kaligtasan mo." tuloy ang pagtulo ng luha nya at ako nanatiling kalmado pinipigilan ang luha na nagbabadyang bumagsak

Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon