"Sure ka ba Aira? Dito yun?" Tanong ni Eli.
"Oo nga, Ito yung address nung Café." Paliwanag ko.
"Tara— teka si Khen ata yun!"."
"Aray naman Aira! Ano bang balak mo madaling madali ka makita." Reklamo ni Eli habang hawak ang noo nagkauntugan kami nang sumilip ako sa bintana.
"Sorry...Sorry. Okey? Its been month na hindi ko siya nakita." Pag sasabi ko kay Eli
"Ayan na! Lalabas na!" Tumingin kami sa palabas na tao sa Café.
"Si Khen ba yun?" Tanong ni Eli.
"Wai-wait, Sino siya?" Sabay turo ni Eli sa babaeng palapit kay Khen.
"I don't even know Eli." Nanlaki ang mata ko nang biglang yakapin nang mahigpit ng babae si Khen.
"Maybe girlfriend niya?" Tinignan ko si Eli.
"Maybe." Nag usap sila at may inabot na paperbag yung babae.
Pumara ng taxi si Khen.
"Sundan mo, Eli." Agad kong sabi.
"Yes, yes ito na kalma!" Hindi ko inaalis paningin ko sa sinakyan niyang taxi.
Nagkatabi yung sinasakyan namin ni Khen buti nalang tinted yung sasakyan ni Eli.
Hindi kami nagkakamali si Khen nga kaso may iba sa kanya. Parang cold ang awra niya.
Muling nag Go ang traffic light. Medyo mahaba narin ang nilalakbay namin.
Inaantok na ko dahil galing pa'kong taping.
Pero hindi ako matutulog kung kailangan sundan si Khen ng ilang araw na walang tulugan gagawin ko.
"Aira? Are you okey?" Napabaling ako kay Eli
"Ofcourse? I am, I'm Okey Eli." Umiwas siya ng tingin
"Maybe you're inlove with him kaya willing mong gawin 'to." Am I?
"Imagine isang sikat na Aira Cabria ang mag hahabol sa isang ordinary man named Khen." Napatigil siya
"He's not ordinary man. He's—" di ko natuloy sinasabi ko.
"Mysterious as f*ck, Aira." Yes, pero hindi ako inlove sa kanya.
"Teka, tigil." Biglang napapreno si Eli.
" Bakit dito?" Napatanong din ako kagaya ni Eli.
Tumigil ang taxi sa isang luma at provincial hospital.
Nagtaka din ako.
"Tara sundan na natin siya." Agad kong sabi at bumababa sa sasakyan.
Tumakbo ako papasok ng ospital dahil alam kong mabilis mag lakad si Khen.
"Hoy Aira! Hintay!" Sigaw ni Eli.
Hindi ko siya pinansin.
Tinakbo ko lang at hinanap saan sumuot yung lalaking yun.
Hindi ko napansin na may babae akong kasalubong kaya nabangga ko ito at natumba.
"Sorry po nay. Okey lang po ba kayo? Nasaktan po ba kayo? Sorry po may hinahabol po kasi ako." Tinulungan ko siya tumayo.
" Okey lang ija. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Ngumiti ito sakin mukha siyang pagod puyat at may problema.
"kumain na po ba kayo?" Narinig kong kumalam ang sikmura nito kaya inaaya ko siya sa Canteen ng ospital.
——
"Salamat ija, Ilang araw narin kasi akong puyat. Hinihintay ko rin ang anak ko dahil sa laki ng bill ng bunso kong anak siya tuloy naghahanap ng paraan para makabayad kami sa ospital na 'to."paliwanag niya habang si Eli kain lang ng kain.
"Magkano po ba yung bill niyo dito nay?" Tanong ko
"Mahigit kumulang isang milyon na nak pero kahit ganun kalaki ang bill namin hindi parin umaayos ang lagay ng anak ko." Naaawa ako sa kanya alam kong hirap siya.
"Ija, sino nga pala hinahabol mo kanina?" Tanong nito.
"Si Kh—" nagring ang cellphone niya kaya hindi ko na nasabi.
"Hello? Ano?! Sige nak papunta na ako." Agad itong tumayo magsasalita pa sana siya pero tumango na ako.
"Salamat ija, pagpalain ka ng diyos." At saka ito umalis.

BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita