04

20 7 0
                                    

Unti-unti akong nagising sa ingay ng tv.

"Ay pasensya na iha, nagising ba kita?" Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni aling Ester.

Umiling ako at sinabing "Hindi po."

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" Tanong nito

"Hindi na po, wala rin po akong gana kumain. Mamaya nalang po" agad naman itong tumango.

"Hi mga ka-Chizmars, live natin kasama ngayon si Ms. Meleah. Ms. Meleah, kamusta ka naman ngayon?" Tanong nung reporter.

Meleah Gumarao, classmate ko nung grade school sobrang competitive at number 1 bitter sa achievements na natatanggap ko.

"Okey lang naman, Chimita" Habang pacute ng pacute sa camera. Gusto kong matawa pero baka isipin nila aling Ester baliw ako.

"Alam naman nating lahat na isa ka sa sikat na artista ngayon." 'Di pa tapos si Chimita nag salita na ito

" Enebe Chimita, hindi naman meshede" 'di ata siya tinuruan ng abakada nung kinder.

"Anong gusto mong sabihin sa fans mo na patuloy sumusuporta sa iyo." Agad itong nag kunwaring maluha luha. Amp medj plastik tih.

" Sobrang salamat sa patuloy na pag suporta sa Meleahchivers, MeleahNatics, sa Meleah Angels at sa iba pa maraming salamat sa sumusuporta."

"Alam naman natin na ultimate crush mo si Kairo. Anong masasabi mo na nabalitaang si Kairo ay in a relationship kay Aira." Bigla itong tumawa amp bipolar?

"Lahat po yun kalokohan, as we all know si Aira ay may boyfriend na kasama niya sa public toilet ng lalaki so in that case imposible pong magkarelasyon sila ni Kairo." Amp ba't ba'ko nasama dun.

"Hoy Meleah! binigyan ako ni Kairo ng kwintas, ikaw hindi so iyak ka nalang!" Nabigla akong nasabi ko yun nag tinginan si Aling Ester at Aling Celda.

"Ganun ba?" Tumango si Meleah.

"Actually kami na nga ni Kairo e." Nanlaki mata ko. Ano daw?

" Omg! Talaga?" Kilig na kilig naman si Chimita. Napairap ako kami kaya bagay ni Kairo for sure imahinasiyon niya lang yun.

"Kung totoo nga ba ang balita na sila na tawagin natin si Kairo Mendoza!" Pagtawag ni Chimita. Ano?!

Totoo ba to?!

"Magandang Gabi, Kairo"

"Magandang gabi din, Chimita"

"Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa totoo bang kayo na ni Meleah?" Agad nitong hinawakan ang kamay ni Meleah na kina usok ng ilong ko

" Yes, We're Official" nagtilian ang mga audience

"So paano kayo ni Ms. Aira." Agad nitong tanong

Umayos ka Kairo! Babalibag kita jan. Lulusot ako talaga sa screen charr.

"Kami ni Aira? We're just Friends."

Friends? F-R-I-E-N-D-S

"Trabaho lang yung samin ni Aira."

Anong trabaho? Last week kakapadala mo palang ng rose na may I love you?!

Umiinit ulo ko. Agad akong umakyat sa kwarto at humiga

"We're just friends"

"We're just friends"

"We're just friends"

"We're just friends"

"We're just friends"

"We're just friends"

"We're just friends"

Whaaaaa! Kairo pagsisisihan mo ginawa mo sakin!

Luna E StelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon