"Aalis kayo ngayon ni Khen." Kumunot noo ko. Khen? Sino si Khen.
"Sino si Kh—."
"Tara na?" Agad akong lumingon
Siya si Khen?
"Teka, pagkakatiwala mo ko diyan? Sir naman" pabagsak akong umupo
"Tara n—" sabi ni walang mata
"Ayoko." As if naman sasama ako. Nakilala ko lang siya sa rest room n
"Di ako sasama sayo walang mata" padabog akong bumalik sa kwarto pero bago pa ako maka hakbang binuhat niya ko na parang isang sakong bigas.
"Ibaba mo nga ko! Ambaho mo! gross!" Pero hindi nakinig si walang mata binuhat niya ko papuntang sasakyan.
"Sa'n mo'ko dadalhin?" Agad kong napansin kaway ng kaway sila manang na kinikilig.
Anong nakakakilig? Ginawa na nga akong sako ng panget na 'to
Panget? Oo— ay hindi
Ay basta!
Mukha kasi siyang babae.
"Sumama ka nalang sakin." Isinakay niya ko sa passenger seat.
Teka? Siya mag dri-drive? Marunong ba siya? Mamaya, mamatay ako dito!
———
Tahimik kami, walang nagsasalita ni-isa sa amin.
"Oh, suotin mo." Inabot niya yung mask at cap.
"Para saan 'to." Imbes na sumagot bumaba na lang siya ng sasakyan
Nasa mall pala kami—
Teka? Mall?
Hindi pwede baka pagkaguluhan ako dahil sa issue.
Biglang bumukas yung pinto kaya bumalik ako sa tama kong pag iisip.
"Hindi tayo pwede dito." Imbes na makinig nilahad niya ang kamay na.
Ay taray. Gentleman naman pala tong si walang mata.
Agad kong sinuot ang mask at cap
"Magtiwala ka sakin." Agad kong inabot ang kamay ko.
" Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Hindi ko na magawang mag sungit dahil pinapangunahan na ako ng kaba.
"Magtiwala ka sakin, Aira. Huwag mo munang isiping artista ka." Saka siya pumasok sa loob ng mall habang hawak ang kamay ko.
Walang nakakapansin sakin, sa ngayon.
Sa ngayon pero baka mamaya madami na.
"May gusto ka bang kainin?" Bigla akong napatingin sa kanya.
"Ha?—"
" Kainin o gawin?" Paano niya nasasabi yun? Nasa kalagitnaan kami ng issue at dahil sa kanya yun.
"Aira, sabing wag ka muna mag isip na artista ka. Isipin mong simpleng tao ka lang." Ngumiti ito sakin dahilan makalimutan ko pansamantala ang lahat.
"Ice cream?" Sabay abot sakin ng ice cream. Paano siya nakabili parang kakausap palang namin ganun ba ko ka pre-occupied?
"Salamat." Tipid kong sabi.
"Ahhh alam ko na" agad niya kong hinila kung saan.
"Saan mo nanaman ako dadalhin?" Hindi nanaman nakikinig lagi nalang din nanghahatak. Isang Aira Cabria hinahatak hatak lang?
"Umupo ka muna diyan" iniwan niya ko sa bench. Mamaya bigla akong sugudin dito.
"Tignan mo 'to, hinatak-hatak ako tapos bigla akong iiwan." Napaka nakakainis talaga.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik na siya.
"Matagal ba? Haba kasi ng pila. Tara na?" Pabagsak akong tumayo at ayon hinatak.
Pumunta kami sa isang arcade
isang taon na since nakapunta ako sa ganito.
"Marunong ka?" Inabot niya sakin yung bola ng basketball.
"Hindi e." Agad kong sagot kaya ibinalik ko sakanya yung bola.
"Subukan mo." Agad siyang gumilid kaya binato ko ung bola.
Kaso di pumasok. Napatawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin at nag akmang aalis
"Teka—teka lang. Masyado kang pikon." Agad niyang hinatak ang kamay ko.
"Ganito kasi yan" kumuha siya ng isang bola at ibinigay sakin pumwesto siya sa likuran ko
Dug..dug.. (author: wag epal tunog yan ng puso ni Aira)
"Pumwesto ka pagkapwesto mo—" hinawakan niya ang kamay ko.
Dug..dug..dug..
" Bend ka ng unti tas targetin mo ung ring tapos—" mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko
Dug..dugg.dug.dug
Baka marinig niya yung puso ko. Kalma ka, Aira. kalma
" Shoot!" Di ko namalayang pumasok na sa ring yung bola.
"Diba?Try mo naman." Agad akong napatingin sa kanya
"Ha?" Parang tanga Aira.
"Kaya mo yan, gawin mo ung tinuro ko." Tumango ako.
Focus, Aira. Kunware acting lesson to.
Position..bend ng unti.. Shoot!
Shoot?
Shoot?
"Whaaa! Shoot!" Sa sobrang tuwa napatalon ako at agad akong napayakap kay walang mata.
Mga ilang minuto bago ko narealize na natanggal yung cap at mask ko.
"Si Aira ba yun?!" Agad akong napabitaw ng yakap at napatingin sa nagsalita maging si walang mata ganun ginawa
"Si Aira yung star sa Clandestine Channel at artist ng ZA entertainment?" Nanlaki lalo ang mata ko sa mga bulungan.
"Siya nga!!!"
———
Author's Note:
Pasensya na ngayon lang nag update super duper ultra mega busy sa school si Ms. Author niyo. Im so happy na kahit sa Real Account nag memessage kayo, encouraging me. Thankyou for all your love and support. I love you all

BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita