"You did a great job guys!" Tapik samin ni sir Jacob.
Ngumiti ako at napansin kong magkahawak kamay parin kami.
"Bakit?" Tanong niya.
"Ha? Bakit ka nagpagupit?" Yun nalang ang salitang lumabas sa bibig ko.
"Wala lang hahaha—" natigilan siya ng biglang magring cellphone niya.
"Hello? Ano?! Sige papunta na 'ko." Binitawan niya ang kamay ko
"Teka—" at tumakbo.
"Saan daw siya pupunta?" Tanong ni Sir Jacob
Kumibit balikat nalang ako.
———
"Rise and shine!!" Sabay unat.
"Goodmorning Aling Ester at Aling Celda!" Napatingin sila sakin nabusy mag hiwa ng sangkap.
"Oh hija gising kana pala." Agad akong bumaba ng hagdan.
"Ano pong lulutuin niyo?" Tanong ko kila Manang Celda.
"Kare-Kare nak." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
"Ma? Mama?!" Tumakbo ako at niyakap siya.
"Kailan ka pa po umuwi sa Manila?Hindi man lang kita nasundo." Ginulo nito ang buhok ko
"Okey lang yun anak. Ikaw Aryang ha, hindi mo pinakilala na may boyfriend kana." Biglang lumungkot ang mukha ko
"Mama, trabaho lang meron samin ni Khen para sa image ko." Ngumiti siya ng mapait
"Pero bagay kayo nak—" bago niya pa matapos sinasabi niya sumagot na ko
"Malabo ma. Mas maliwanag pa sa liwanag ng buwan at bituin 'ma. Hayy nako 'ma, tara na nga dito. Namiss ko ang mama ko."
———
"Hi, Manang Celda si sir Jacob—" napatingin ako kay Khen nakakadating lang.
"Hi? Ay may bisita pala kayo." Nag bow ito.
"Ma, si Khen. Khen, si Mama." Nanlaki ang mata ni Khen.
Lumapit ito at nagmano.
"Hi po tita! ako po si Khen. Ang ganda niyo po" bolero amp
"Hindi maitatanggi sainyo nag mana si Aira" napatingin ito sakin
"Haha bolero kang bata ka." We kunware 'di kinilig si mama.
————
"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong ni manang Ester.
"Ang saya nila. Kung buhay pa si kuya baka ganyan din si mama kasaya." Inakbayan ako ni manang.
" Mukhang botong boto ang mama mo kay Khen." Ngumiti ako habang nag kwekwentuhan sila sa garden.
"Oo nga po eh pero alam naman po natin na hanggang kaibigan at trabaho lang kami ni Khen." Ngumiti ako sa kanya.
" Malay mo naman hija." Ito talaga si manang
"Hayyy nako manang. Mukhang malabo talaga tsaka alam ko napipilitan lang yan si Khen dahil sa issue." Pagpapaliwanag ko.
"Huwag kana malungkot. Kung ganyan sulitin niyo nalang oras niyong dalawa." Parang mas masakit yun.
"Mas mahirap manang kung maattach ako kay Khen at iwan niya kong bigla."
Sumandal ako kay manang habang pinapanood sila mama.
Kuya 'wag ka mag selos kay Khen ha. Ngayon ko lang nakita ulit si mamang masaya ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita