"Sir Jacob, Ano—Asan si—" bago pa ko matapos sa sasabihin ko nagsalita na siya
"Si Khen? Umalis. Kagabi pa,bakit?" Agad siyang tumingin sakin
"Miss mo?" Oo miss na miss ko este
"Hindi ah. Tinatanong ko lang asan sina manang Ester at manang Celda. Ano kasi magpapaluto ako? Tama mag papaluto ako" lusot ka nanaman girl!
" Ahh nasa kusina. Kala ko miss mo si Khen papauwiin ko dito." Pauwiin mo na chour.
"Hoy Sir Jacob hindi ah." Agad akong tumalikod baka makita niyang namumula ako
"Oh sya. Dyan ka muna mamaya brebriefing kita kasi may interview ka bukas." Interview?
"Saan? Bakit?" Ngumiti lang ito sakin
"Basta."
———
"Nacontact niyo na ba si Khen? Bakit wala pa siya?" Tanong ni sir Jacob habang ako inaayusan para sa interview na gagawin.
Kinakabahan ako mamaya 'di siya dumating sira nanaman image ko.
"Ms. Aira? Get ready na po tatawagin na po kayo sa stage." Sabi ng staff na mas lalong nagpakaba sakin.
"May we call on the Gorgeous, Aira Cabria." Napatingin ako kay sir Jacob
"Okey lang yan, Dadating yun." At nag thumbs up ito.
Agad akong pumasok sa stage. Ngumiti sa lahat at kumaway.
Bumeso ako sa kanya ganun narin siya sakin.
"Magandang Hapon sayo Ms. Aira" bati ni Sofia isang host sa isang sikat na show sa Pilipinas
"Magandang Hapon din Sofia at magandang hapon sa inyong lahat." Dadating siya Aira.
"Maupo ka." Umupo kami
"Hindi na bago sating lahat na may kinaharap na issue itong si Ms. Aira." Tumango ako
"At sinubukan nating alamin ang panig ni Ms. Aira hinggil sa issue. So Ms. Aira hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Anong status niyo ni Mr. Kairo? Na kamakailan lang nabalitaan sila ni Ms. Meleah" Ngumiti ako at sumagot
"Walang namamagitan samin ni Kairo. We're best as friends and Im so happy for them, sakanila ni Meleah." Ngumiti ulit ako
"Wow. Ito naman, galing ito sa isa nating viewer. Ms. Aira, Sino yung lalaking kasama niyo sa restroom at sa mall? iisa lang ba sila? Ano pong meron sa inyong dalawa." Kinabahan ako pero dapat di ko ipahalata sa lahat.
Ngumiti ako "He's so special to me and yes, iisa lang sila yung nasa rest room at nasa mall."
" Pwede ba naming makilala? Sino ang maswerteng lalaking ito, Ms. Aira?" Agad akong sumagot
"Hindi siya ang maswerte kundi ako. He's the perfect guy that I met." Kaya nagsitilian ang mga audience.
"Ahmm actually kasama ko siya ngayon." Katulad ng sinabi ni sir Jacob na sabihin ko.
Mas kinilig ang mga tao sa loob ng studio.
"As a surprise guest, please welcome. The perfect guy. Mr. Khen Ratificar!" Nagsigawan ang mga tao.
Pero walang Khen.
Tatayo na sana ako para mag explain.
"Good day everyone!" Muling nagsigawan ang mga tao.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
"Khen?" Napatulala ako
Naka longsleeves baby pink na terno sa dress ko, Pants at leather shoes.
At sa pag kakataong ito hindi na siya long hair. Nagpagupit talaga siya para dito.
Bumalik ako sa katauhan ko ng magsitilian ang mga tao nang hawakan ni Khen kamay ko.
Bumulong ito
"Wag kang kabahan, nandito na ko." Magkatabi kami sa upuan."Kinikilig ako!" Tili ni Sofia.
Natawa kami pareho ni Khen.
"So anong status niyo ni mr. Khen? Hindi na ko magpapaligoy ligoy." Tumingin ako kay Khen.
"We're official" sabay namin sagot.
Mas lumakas ang sigawan.
Pero alam ko sa harap lang yun ng camera.
"Bakit kailangan niyo magtago noon? At yung sugat mo mr. Khen yan ba yung galing sa nakaharap niyo sa mall?" Tumingin ako kay Khen agad niyang pinisil ang kamay ko.
"First of all, ayokong mahirapan si Aira specially ngayon sikat siya and she also wants our relationship to be more private kaya nirespeto ko yun. I'm not into show business and gusto naming pareho na ganito yung set up namin as a couple. Itong sugat naman? Yes, dun sa babaeng ibabato yung vase kay Aira since kahit sino naman siguro ayaw masaktan ang mahal nila kaya humarang ako keysa masaktan siya."
Sabay sabay nag Aw sounds ung mga tao.
"Aw. Totoo ngang perfect na ito si Mr. Khen hindi lang gwapo, sweet din." Napangiti kami.
"Bago natin ipagpatuloy ang kiligan. Mag kakaroon muna tayo ng maiksing commercial break. Ako si Sofia Lee Vinta. Mag babalik ang SRS! Sofia's Reality Show!" Agad kaming kumaway at ngumiti sa camera.
Ngumiti siya sakin na nagpagaan sa dibdib ko.
————
Author's Note:
Kahit antok na go parin kaya pag may typo alam na! Malakas kasi si Khen kaya todo push sa next chapter hahaha. Thank you for your love and support. Wag mahihiyang imessage ako dito or sa real account. I want to know your side. Love lots
BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita