Khen's POV
"Nay, nakauwi na ba si Kelsey?" Tanong ko habang binaba yung bag sa sofa.
"Mamaya pa uwi nun anak, 4pm. Susunduin mo ba?" Okey na rin 'yon keysa magcommute siya. Baka mapagod pa.
" Sige nay, susunduin ko po, alis na po ako."
__________
Labasan na ng mga studyante, hinintay ko nalang si Kelsey nabasa niya naman yung chat ko na susunduin ko siya.
Mga ilang minuto paubos na ang mga estudyante, chinat ko si Kelsey.
"San kana bunso?"
"Kuya, may meeting pa po kami ng club, patapos na rin po ito." Hinintay ko nalang siya.
Maya maya pa natanaw ko na si Kelsey.
" Kuya!" Tawag nito habang laki ng ngiti. Kala mo nanalo sa lotto e. Ngayon ko nalang kasi siya ulit nasundo simula gawa ng busy na trabaho.
"Dahan-dahan baka madapa!"
"Hindi!" Pasaway talaga
Nang malapit na siya sakin tatawid nalang may humintong van. Hinintay kong umalis yung van.
Umalis yung Van pero wala na si Kelsey.
Tumakbo ako papalapit
"Kelsey? Kelsey! Hindi magandang biro bunso! Lumabas kana!" Sigaw ko
Natanaw ko yung Van agad kong pinaandar yung kotse ko at sinundan yung Van.
"F*ck! Kelsey!" Humarang pa ung kotse na mag mamani obra
"Alis!!" Sabay hampas sa manibela.
"Umalis ka d'yan!" Pag may nangyari sa kapatid ko hindi ko mapapatawad sarili ko.
Pagkaalis nung harang 'di ko na nakita yung Van.
"Sh*t!" Agad akong tumawag sa mga pulis.
"Hello! Kinidnap yung kapatid ko, gumawa kayo ng paraan!" Sigaw ko sa kabilang linya.
" Sir, kumalma po kayo. " Sabi nung pulis sa kabilang linya.
" Paano ako kakalma? Kinidnap nga yung kapatid ko! " Mas nanaig sakin kung kaba at inis.
" May ebidensya po ba kayo? O may nakakita?. May 24hrs na po bang nawawala yung biktima?" Sunod-sunod na tanong nito.
" Anong klaseng tanong yan? Nakita ko, ng dalawang mga mata ko! " Mas uminit ang ulo ko ng narinig kong nagtatawanan sila sa kabilang linya.
" Mukha ba kong nakikipagbiruan?! Kayo, sisiguraduhin kong matatanggal kayo sa serbisyo." Agad kong binababa yung tawag.
_____________
Bunso is calling....
" Hello Kelsey" Agad kong sagot sa tawag
"Kuya, tulong.." nanghihinang boses ni kelsey.
"Kelsey! Asan ka? Pupuntahan ka ni kuya."
" Hindi ko alam kuya, madilim sobrang dilim kuya. Kuya tulungan mo ko natatakot ako. " Umiiyak na sagot niya
" Hahanapin ka ni kuya, hintayin mo ko. Gagawa ako ng paraan."
"Kuya, andito na sila. Kuya!—"
" Sinong kausap mo?!"Sigaw nung lalaki
"Kuy—" biglang akong nakarinig na malakas na tunog ng baril.
"Pakawalan niyo yung kapatid ko mga hayop kayo!"
Call ended...
___________
Aira's POV
Unknown Number is calling...
"Look who's with me" sambit sa kabilang linya halatang nakavoice changer. pop up ng text sa phone ko. Agad kong binuksan yung messages at bumungad sakin ang picture ni...
"Kelsey?" Bulong ko sa sarili, picture nya nanakaschool uniform na nakaupo sa single chair na nakatali.
"Pakawalan niyo siya!" Sigaw ko.
"Sino ka ba? anong kailangan mo sakin?! Ibibigay ko pakawalan mo lang siya!" Bakit parang ang laki ng galit niya sakin.
"Hmmmm? How about you? Ikaw kapalit ni Kelsey? Anong tingin mo?" Handa kong ipalit sarili kong buhay basta maging ligtas lang siya.
"Go, saan at kailan ? Gusto mo ngayon na? Gagawin ko pakawalan mo lang siya, wala siyang alam sa lahat. "
" Well, It's not that easy. I also need 100 Million Pesos ahmmmm nahhh, 1 Billion Pesos for her safety. Hintayin mo yung susunod kong iuutos sayo. " Malaki yung 1 Billion pero kung yun ang paraan para makalaya lang siya bakit hindi.
" Fine, I can give what you want, just make sure na hindi mo siya sasaktan. "
" Sure dear, just follow my instructions."
Call ended...
Agad kong niyukom ang palad ko, kung sino ka man sisiguraduhin kong magbabayad ka.
_____________
Alam niyo na ba kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to? Sino sa tingin niyo?
By the way, Short Update HAHAHA. I'm trying na mag update daily for you guys. Announcement narin, LES only have few chapters to go. Thank you for your love and support. Wait for further announcement. Love yeah.
-Ms. Author

BINABASA MO ANG
Luna E Stelle
Romance"I think I'm just trying to find the brightest star even I already have the moon." Nakatingin sa buwan at butuin umaasang sana ikaw din. I'll find you kahit mahirap hahanapin kita